Raffy Tulfo, pagagawan ng bahay ang lalaking may sakit sa pag-iisip

Raffy Tulfo, pagagawan ng bahay ang lalaking may sakit sa pag-iisip

- Isang tagasubaybay ni Raffy Tulfo ang humingi ng tulong para sa kapatid na may sakit sa pag-iisip

- Kahit anong pilit nila, ayaw nitong sumama sa kanilang tahanan at mas piniling bumukod sa maliit na bahay na animo'y tirahan ng aso

- Ngunit dahil may malasakit naman ang kapatid, humingi ito ng tulong kay Raffy Tulfo upang mabigyan ng maayos na bubong ang tinitirhan ng lalaking may sakit sa pag-iisip

- Hindi lamang bubong ang ibibigay ni Tulfo kundi pagagawan na rin niya ng bahay ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog ang kapatid ng isang lalaking may sakit sa pag-iisip sa programa ni Raffy Tulfo upang ihingi ito ng maayos na bubong sa kanyang tinitirhan.

Nagpakilala ang kapatid na si Amelia Bulawan at dahil sa nakatira lamang sa maliit na bahay ang kanyang kuya, naisipan niyang ihingi ito ng tulong kay Tulfo.

Nalaman ng KAMI na kahit anong pilit ni Amelia sa kanyang kuya na pumisan sa kanila upang maalagaan ito ng maayos, ayaw nito at mas pinipili nitong manatili sa bahay nitong parang tirahan lamang ng aso.

May malasakit naman si Amelia sa kanyang kapatid kaya nais niyang malagyan ng maayos na yero ang tinitirhan nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit ng makita ni Tulfo ang tirahan, hindi lamang daw yero ang kanyang ipadadala kundi pagagawan pa niya ito ng mas maayos na matitirhan.

Ayon pa kay Amelia, madalas nang sumpungin ang kapatid lalo na at matagal na itong hindi nakakainom ng gamot.

Matindi rin kasi ang dagok sa kanila ng pandemya dahil pareho na silang walang hanapbuhay na mag-asawa.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na nila napapatingnan sa doktor ang kapatid.

Dahil dito, maging ang mga pangunahing pangangailangan nina Amelia ay ipadadala rin ni Tulfo. Patitingnan din ng sikat na host sa isang espesyalista ang kapatid ni Amelia upang mabigyan ng nararapat na gamot para rito.

Labis-labis ang tuwa at pasasalamat ni Amelia na naluha sa pagtugon ng kanilang Idol Raffy nang higit pa sa kanilang inaasahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel