Daryl Ong, nagsalita na ukol sa pagkakatanggal niya sa Kapamilya Network

Daryl Ong, nagsalita na ukol sa pagkakatanggal niya sa Kapamilya Network

- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang dating Kapamilya artist na si Daryl Ong ukol sa umano'y pagkaka-ban niya sa ABS-CBN

- Nilinaw nitong hindi siya umalis kundi siya mismo ay sinibak bilang isang Kapamilya

- Pinaliwanag niya ang isang insidente kung saan kausap niya si Bugoy Drilon na may kaugnayan sa franchise renewal ng ABS-CBN ang naging ugat ng pagkakatanggal niya sa Kapamilya Network

- Kasama niyang na-ban ang dating kapwa niya Kapamilya artist na si Bugoy Drilon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na ang dating Kapamilya artist na si Daryl Ong kaugnay sa pagkawala niya sa ABS-CBN.

Nalaman ng KAMI na hindi na siya umalis ABS-CBN kundi siya mismo ay natanggal at na-ban ng naturang istasyon.

Sa kanyang official YouTube channel idinitalye ni Daryl ang pinag-ugatan ng isyung kinasasangkutan.

Patungo umano sila sa Iloilo para sa event ng kanilang grupo na BuDaChael na kinabibilangan din nina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kanilang pakikipagkwentuhan sa isa't isa, nasagi sa usapan ang noo'y mainit na usapin ng franchise renewal ng Kapamilya network.

Lingid sa kanilang kaalaman na isa pala sa mga taong naroon ay nagrerecord ng kanilang usapan at nakarating agad sa mga big boss ng Kapamilya network.

Matapos ang show sa Iloilo, mabilis silang pinatawag ng ABS-CBN kaugnay sa isyu ana siyang naging dahilan upang hindi na muli sila tanggapin bilang mga Kapamilya artist. At dahil kausap niya noon si Bugoy Drilon, ban na rin siya higanteng istasyon.

Gayunpaman, labis na nagpapasalamat si Daryl sa mga taong nakasalamuha niya sa ABS-CBN at isa na rito si Vice Ganda na siyang nagbigay daw sa kanya ng maraming oportunidad sa para ipamalas ang kanyang husay sa pag-awit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan din niya ang kanyang manager at iba pang mga television shows ng ABS-CBN sa anim na matagumpay na taon bilang isang Kapamilya.

Umugong umano ang balitang ito nang mapansin ng ilan sa kanilang fans ang guesting ng kanilang grupo na 'BuDaChael" sa Eat Bulaga.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Daryl:

Si Daryl ay produkto ng The Voice of the Philippines season 2. Mula 2015, bahagi na rin siya na ASAP Soul Sessions at ASAP The Love Connection. Kinanta rin niya ang ilang theme songs ng mga teleserye ng ABS-CBN tulad ng "Ang Probinsyano," "Bridges of Love" at "On the Wings of Love".

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel