Lolo, sinauli pa ang sukli nang makahingi ng pambili ng gatas para sa apo niya

Lolo, sinauli pa ang sukli nang makahingi ng pambili ng gatas para sa apo niya

- Isang lolo ang pumukaw sa damdamin ng mga netizens ngayon dahil sa kwento ng kanyang buhay

- Dahil sa tindi ng kahirapan ngayon, gutom na gutom na raw ang apo niya kaya nanghihingi siya ng gatas para rito

- Nang mabigyan siya ng pera pambili ng gatas, binalik niya pa ang sukli na pera sa tumulong sa kanya

- Nanawagan naman ang netizen na tulungan si lolo dahil bukod sa na-mild stroke na siya ay nasunugan pa sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang lolo na humihingi ng tulong sa mga Pinoy ngayong matindi ang hirap na pinagdadaanan niya at ng pamilya niya.

Nalaman ng KAMI na hindi namamalimos ng pera si lolo, nanghihingi siya ng gatas para may maibigay sa apo niya.

Kwento ng netizen na si CherryVin Rivera Po, lumapit sa kanila si lolo para humingi ng gatas. Binigyan nila ito ng kaunting pera pero kulang pa raw ito nang bumili siya sa tindihan.

Kaya naman, muling bumalik si lolo sa kanila at dinagdagan nila ang pera. Matapos makabili ng gatas ni lolo, binigay niya pa ang sukli sa nagmagandang loob sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento niya, taga-Baseco, Tondo siya at kasama sila sa mga nasunugan doon kamakailan lang. Tumakas lang daw siya sa anak niya dahil naaawa na siya sa apo niyang walang mainom na gatas.

Naiiyak na nagkukwento si lolo dahil nasunog daw ang binti ng apo niya at gutom na gutom na rin ito. Na-mild stroke na rin si lolo noon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Habang nagkukwento si tatay, naiyak na sya. Ang sakit sa dibdib ng kwento ni tatay. Nakakaiyak habang nag kukwento siya,” sabi ng netizen.

Nanawagan naman ang mga netizens na tulungan din ng iba si lolo lalo na ngayong may matinding krisis sa bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel