Video ng mag-amang todo hataw sa "Binibini challenge", may mahigit 2.5 million views na

Video ng mag-amang todo hataw sa "Binibini challenge", may mahigit 2.5 million views na

- Viral ang video ng mag-amang di nagpahuli sa "Binibini challenge" sa TikTok

- Ang ikinatuwa ng netizens mas hataw pa ang ama kaysa kanyang anak

- Umabot na sa mahigit 2.5 million ang views ng video dahil sa sobrang tuwa ng mga netizens

- Nagpasalamat naman ang anak dahil marami ang humanga sa husay ng kanyang ama na sa kabila ng edad nito ay todo hataw pa rin sa pagsayaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang nakakaaliw na TikTok video ng mag-amang kumasa sa "Binibini Challenge."

Sa umpisa, aakalain ng netizens na tipikal na video lamang ito ng lalaki na isinama ang ama sa kanyang TikTok video.

Kaya naman laking gulat nila nang biglang humataw ang ama na hindi nagpatalo kanyang anak.

Sa kabila ng kanyang edad, nasabayan pa niya ang mga makabagong dance moves na nauuso ngayon sa TikTok at tila mas nahigitan pa niya ang kanyang anak sa pagsasayaw.

Dahil dito, umabot na sa mahigit 2.5 million views ang kanilang video na ibihagi rin ng Facebook page na Pusoy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagpapasalamat naman ang anak na si Christian Andrew Hong sa lahat ng naka-appreciate sa husay sa pagsayaw ng kanyang ama na si Dennis.

Umani talaga sila ng papuri mula sa mga netizens na nakapanood ng nakaka-good vibes nilang video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakaktuwa si tatay, ayaw pa-kabog sa anak"
"Sana all game ang tatay sa pag-TikTok, maswerte ka po cool ang dad mo"
"Ay nakakatuwa naman si Father, ang moves e bagets na bagets pa rin"
"Natabunan yung anak sa galing nung daddy, pero siyempre mana siya sa tatay niya"
"Ang sweet naman ng bonding nila, nakaka-good vibes!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel