Emosyonal na tagpo ng apo na pilit na binubuhay ang lolang may COVID-19, nagpaluha sa netizens

Emosyonal na tagpo ng apo na pilit na binubuhay ang lolang may COVID-19, nagpaluha sa netizens

- Umantig sa puso ng mga netizens ang larawan ng apo na pilit na isinasalba ang lola niyang tinamaan ng COVID-19

- Naghihintay lang umano ang mag-lola na makapasok ng ospital ngunit hindi na ito umabot

- Kahit lubhang mapanganib, sinubukan pa ng apo na i-mouth to mouth breathing ang lola ngunit di na ito muling nagising pa

- Aminado ang mga netizens na di nila napigilang maluha sa mga larawan ng mag-lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang nakakadurog pusong eksena ng apo na pilit na isinasalba ang lola na tinaman umano ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na naghihintay lamang ang mag-lola sa parking lot nang kakitaan na ang matanda ng komplikasyon sa kanyang paghinga.

Sa mga larawan na binahagi ng Life Truth makikita ang halos nag-aagaw buhay na noon ang lola kaya naman sinubukan na itong isalba ng apo sa pamamagitan ng mouth to mouth breathing.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sadyang nakakaantig ang mga larawan, lalo na nang di na talaga nagising pa ang matanda.

Ilang minuto lang, dumating na ang medical staff at doon nakumpirmang wala nang buhay ang lola na mayroong COVID-19.

Masasabing buwis-buhay ang ginawa ng apo dahil sa kabila ng panganib na mahawa siya sa virus, di siya natakot na subukang isalba ang buhay ng kanyang lola

Dahil dito, maging ang mga netizens ay aminadong naging emosyonal nang makita ang mga larawan ng maglola.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"My heart goes out to the grandson and his family. May she rest in heaven at peace."
"He really love her granny, may she rest in peace"
"It's really hard for the grandson trying to save his love one and I felt the same way. I hope that you'll surpass this one."
"No matter how high the risk is, if you love someone unconditionally. You'll never have second thoughts to help."
"The Pain in his face says it all, about how much he care and Love her Grandma."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel