Batang viral dahil sa cake na gawa sa basahan, nakatanggap ng totoong cake sa ‘Good Samaritans’

Batang viral dahil sa cake na gawa sa basahan, nakatanggap ng totoong cake sa ‘Good Samaritans’

- Naging viral sa social media ang isang bata dahil sa cake nitong gawa sa basahan na natanggap niya noong birthday niya

- Humiling ang bata na makatanggap siya ng totoong cake para sana sa ika-7 niyang kaarawan

- Buti na lang, may mga nagmagandang loob na magbigay ng cake at iba pang handa para sa pamilya ng bata

- Maging ang mga netizens ay natuwa rin sa kabaitan ng mga “Good Samaritans” sa bata at pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang isang bata dahil sa kanyang kakaibang cake na natanggap niya noong ika-7 na kaarawan niya.

Nalaman ng KAMI na dahil sa kahirapan ng buhay ngayon, pinagpatong-patong na basahan ang ginawang cake ng nanay niya para kunwari ay may handa ito.

Ayon naman sa Facebook page ng Balitang SJDM, may mga magpipinsan mula sa Tungkong Mangga ang nagmagandang loob na bigyan ng cake at iba pang handa ang bata.

Masayang-masaya naman ang bata at nanay niya dahil sa biyayang binigay sa kanila ng mga naging “Good Samaritans” sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa post, nagkomento rin ang nanay ng bata:

“Maraming salamat po sobrang saya ng anak ko at sa lahat po ng tumulong para sa wish ng anak ko sobrang salamat po sobrang saya na ng anak ko dahil sa inyong mga mabubuting puso naway ibless pa po kayo ni lord thankyou po sainyo at godbless”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa kabaitan ng mga ito sa bata ngayong may krisis sa bansa. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“maraming salamat po sainyong lahat na nag bigay sa bata. ingat nalang kayong lahat”
“Simple efforts..make me happy..”
“Good job po god bless”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel