Lasing na nagmamaneho ng motor, pinatulog muna ng mga pulis kaysa hulihin

Lasing na nagmamaneho ng motor, pinatulog muna ng mga pulis kaysa hulihin

- Viral ang post ng isang pulis na nagmalasakit pang patulugin ang isang lasing na nakita nilang di na maayos ang pagmamaneho

- Imbis na hulihin, ipinaglatag pa umano siya ng pulis ng folding bed upang doon magpahinga

- Magalang naman umano ang lalaki at marunong pang sumunod sa batas kaya naman pinagpahinga na lamang siya ng mga pulis

- Ginawa raw ito ng mga pulis para maayos na makauwi ang lalaki sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ang post ng isang pulis na nagawang patulugin na lamang ang nakitang lasing sa daan imbis na ito ay hulihin.

Kwento ng pulis na may Facebook name na Flavio Ang Panday, nakita umano nila ang lalaking nagmamaneho ng motor na di na maayos ang direksyon.

Nalaman ng KAMI na sinita ito ng pulis ngunit magalang naman daw itong sumagot at sumusunod naman sa batas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Imbis na hulihin, ipinaglatag pa ng mga pulis ang lalaki at doon pinagpahinga dahil napansin nilang nakakainom ito.

Hinayaan nila itong makatulog upang maayos na makauwi sa kanyang pamilya.

Dagdag pa ni Flavio, may puso naman ang batas at dahil sa marunong rumespeto ang lalaki, nagawa nila itong pagmalasakitan.

Dahil dito, umani ng papuri ang mga pulis mula sa mga netizens. Pamarisan daw sana ito ng iba pang tulad nila ng uniporme na magkaroon ng puso sa kanilang pagseserbisyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"Ganito dapat hindi yung bayolente at viral agad sa social media dahil nag-away"
"Kaya tayong mga binabantayan ng batas, marunong din tayong gumalang kahit sino pa yan. Dahil ang paggalang talaga ang pinakamagandang asal sa bawat isa. Sir! idol kita salamat naman. sana dumami pa ang tulad mo"
"Good job sir! saludo po ako sa pagmamalasakit niyo sa kapwa hindi yung lasing na nga huhulihin at pahihirapan pa."
"Tama po ang ginawa niyo. Dahil may alak ang sistema niyan, dapat itulog. buti na lang din kahit lasing ay marunong gumalang. very good si kuya don"
"Mabuti na lang sin at mga pulis ang mga nakakita sa kanya, baka kung iba yun baka napag-tripan pa siya"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel