OFW sa Dubai na nagpapakain ng mga jobless Pinoy, susuportahan ng Emirates Loto

OFW sa Dubai na nagpapakain ng mga jobless Pinoy, susuportahan ng Emirates Loto

- Kinilala at sinuportahan ng Emirates Loto ang Pinay na si Feby Dela Peña sa proyekto nito na pagpapakain sa mga kapwa niya Pinoy sa Dubai

- Susuportahan siya ng Emirates Loto upang makapagbahagi pa siya ng 10,000 meals para sa mga kababayan niyang wala ring hanapbuhay tulad niya

- Iyon ang dahilan kung bakit kahanga-hanga ang ginagawa ni Feby dahil kahit nagumpisa siya sa sahod lamang ng kanyang mister, naisip pa rin niyang magpakain sa mga nagugutom na kababayan

- Tunay na inspirasyon ang ginagawa na ito ni Feby at kanyang pamilya kaya naman laking pasasalamat sa kanya ng mga natulungang kababayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabigyan ng pagkilala ang napakagandang gawain ng pamilya ni Feby Dela Peña kung saan nagagawa pa rin nilang magpakain ng kapwa nila mga Pilipino kahit sila mismo ay apektado ng pandemya.

Nalaman ng KAMI na dahil sa mabuti ang adhikain na ito ni Feby, susuportahan siya ng Emirates Loto na siyang sasagot sa 10,000 meals pa para sa mga Pinoy na naghihikahos na sa Dubai dahil sa kawalan ng trabaho.

Napakalaking tulong na ito sa proyektong pinangalanan ng Pinay na "Ayuda" na siyang nagtatawid sa pangaraw-araw na kumakalam na sikmura ng kanyang mga kababayan.

OFW sa Dubai na nagpapakain ng kapwa Pinoy na wala ring trabaho, sinuportahan ng Emirates Loto

source: The Filipino Times
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base sa ulat ng The Filipino Times, itinaon ang paggawad ng suporta na ito kay Feby sa pagdiriwang ng Independence Day nating mga Pilipino noong Hunyo 12.

Maaalalang sa naunang ulat ng KAMI, nagsimula sina Feby at ang kayang mister sa pagpapakain ng nasa 200 na mga Pinoy araw-araw na mula pa noon sa sariling bulsa ng mag-asawa.

Ang nakamamangha pa rito, dahil sa pandemya, ang mister lang ni Feby ang kumikita at ito na rin ang kanilang pinagkakasya sa pagpapakain ng mga kababayan nila sa Dubai.

Ngunit dahil sa marami na ang nakaalam ng mabuting gawain ng mag-asawa, may mga Nagpapaabot din sa kanila ng suporta kaya naman naipapagpatuloy nila ang "Ayuda" o pamamahagi ng isang meal man lang sa isang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"We're poor, to be honest. But it's not a reason for me not to help, you know?" pahayag ni Feby sa panayam sa kanya ng South China Morning Post.

Sadyang nakaka-proud at nakaka-inspire ang adhikain na ito ni Feby. Patunay lamang na tayong mga Pilipino ay likas na matulungin at kahit saang panig man tayo ng mundo dalhin, hindi natin pinapabayaan ang isa't isa

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel