Saudi vlogger, namigay ng cellphone sa mga OFW noong Independence Day

Saudi vlogger, namigay ng cellphone sa mga OFW noong Independence Day

-Labis ang pasasalamat ng ilang kababayan nating overseas Filipino workers sa sikat ng vlogger na si SaudiPinoy dahil sa kanyang sorpresang regalo

-Noong June 12, 2020 o Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, namigay ng mga cellphone ang vlogger bilang regalo sa kanila

-'Di naman naiwasan ng isa sa mga ito ang maiyak sa labis na tuwa at pasasalamat

-Nakilala naman ng maraming Pinoy si SaudiPinoy dahil sa kanyang pagmamahal sa ating bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasorpresa ng sobra ang ilang nating kababayang overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia sa 'di inaasahang regalo na kanilang natanggap.

Nito lamang June 12, 2020 o Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nabiyayaan ang mga ito ng bagong cellphone mula sa sikat na Saudi vlogger na nakilala bilang si SaudiPinoy.

Sa nasabing vlog, nagkunwari munang brokenhearted ang vlogger at humingi ng advise sa tatlo nating kababayan.

Hindi naman nag-alinlangan na magbigay ng payo ang tatlo para rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At laking-gulat nga ng mga ito nang ibigay sa kanila ang sorpresang regalo, isang brand new Samsung cellphone na nakalagay sa isang paper bag na may nakadikit pang larawan ng hari ng Saudi Arabia at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang isa pa nga sa kanila ay hindi na naiwasang maiyak sa labis na tuwa at pasasalamat.

Nakilala si SaudiPinoy dahil sa kanyang pagmamahal sa ating bansa at pagtulong sa ating mga kababayan.

Kaya naman maraming Pinoy ang tuwang-tuwa at nagpapasalamat sa kanya.

"Thank you,TheSaudipinoy for making my Kababayan Happy God Bless You Sir."

"Wow you really have a good heart.. I salute you sir."

"Saudi pinoy long life to u and your family tnx for giving away mobile phones to my kabayan hopefully here also in jeddah..your one of a kind."

"Saudi Pinoy im so happy for recognizing us Filipino . you really have a good heart."

"Thanks for your kindness to my fellow Filipino’s. Hope I can meet you here in Sulaimaniya Riyadh."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel