Sen. Alan Peter Cayetano at Mocha Uson, trending dahil sa isang video

Sen. Alan Peter Cayetano at Mocha Uson, trending dahil sa isang video

- Usap-usapan ngayon sa social media ang isang video recording ng pag-uusap umano ni House Speaker Alan Peter Cayetano at (OWWA) deputy administrator Mocha Uson

- Base sa kumakalat na video, tinuturuan umano ni Sen. Cayetano si Uson na bumili ng interview mula sa traditional media

- Ang nasabing pag-uusap nina Uson at Cayetano ay naganap raw noong Foreign Affairs secretary pa si Cayetano

- Dahil dito’y bumuhos ang kritisismo at negatibong reaksiyon laban kay Cayetano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumakalat ngayon sa Twitter ang isang video clip na kung saan maririnig ang pag-uusap nina House Speaker Alan Peter Cayetano na tinuturuan si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson na bumili ng interview mula sa traditional media.

Kabilang ito sa pinalabas na documentary film na ‘A Thousand Cuts’ ni Ramona Diaz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panuorin ang video dito:

Marami ang naghayag ng kanilang pagkadismaya matapos mapanood ang nasabing video. Isa nga sa naghayag ng kanyang saloobin ay si dating House Deputy Speaker na tumakbo rin sa pagka-Senador na si Erin Tañada.

“Traditional Politician… Everything can be bought,” saad ni Tañada.

Narito ang ilan pang reaksiyon ng netizens:

Just saw that video of Alan Cayetano saying interview can be bought. Philippine politics is disgusting
Speaker Alan Peter Cayetano, we heard you. Loud and clear, Sir. Loud and clear.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Alan Peter Schramm Cayetano ay isang politiko na nanunungkulan sa bansa bilang Speaker of the House of Representatives simula noong 2019. Anak siya ng sating senador na si Rene Cayetano. Siya ang tinalagang chairman of the organizing committee for the 2019 Southeast Asian Games.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel