Zeinab Harake, binuking ang tungkol sa 200K na binigay niya sa ex para sa cellphone nito

Zeinab Harake, binuking ang tungkol sa 200K na binigay niya sa ex para sa cellphone nito

- Naging kontrobersiyal kamakailan ang sagutan ng dating magkarelasyon na sina Zeinab Harake at Skusta Clee

- Ito ay matapos mapansin ni Zeinab na suot ng singer na si Ryssi Avila ang kanyang pajama

- Sinagot naman ito ng rapper at tinapon pa sa inidoro ang pajama ng social media personality

- Hirit naman ni Zeinab, sana ay pati ang cellphone na galing sa kanya, itinapon na rin ng dating nobyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang kontrobersiyal na sagutan ng dating magkarelasyon na sina Skusta Clee at Zeinab Harake kamakailan.

Ito ay matapos makita ng vlogger ang pajama na sinuot ng singer na si Ryssi Avila. Si Ryssi ay kasangkot din sa kontrobersiya dahil sa paghihiwalay niya ng kanyang ex na si Concon Felix.

Kasalukuyang magkasama si Ryssi at Skusta sa mga social media posts nila na tila nang-aasar ayon sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos magpost ni Zeinab tungkol sa kanyang pajama, isang video ang ibinahagi ng kailang kampo kung saan iba na ang suot na pajama ni Ryssi at itinapon si Skusta ang pajama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Isang netizen naman ang nagkomento at nagpaalala kay Zeinab tungkol sa umano ay 200,000 na binigay ng vlogger para pambili ng cellphone ng kanyang ex na si Skusta.

Sagot naman ni Zeinab, sana ay itinapon na rin iyon ni Skusta dahil galing din sa kanya yun.

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media personality, influencer at vlogger. Umabot sa mahigit 5 milyon ang kanyang YouTube subscribers. Ang kanyang dating karelasyong kilala sa pangalang Skusta Clee o si Daryl Borja Ruiz ay isang Filipino rapper, singer at songwriter.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel