75 anyos na ina, nanghihingi ng tulong para sa mga anak na may mental disabilities

75 anyos na ina, nanghihingi ng tulong para sa mga anak na may mental disabilities

- Isang 75 anyos na ina mula sa Balingasag, Misamis Oriental ang humihingi ng tulong para sa kanyang inaalagaang mga anak

- Sa kanyang edad, siya ang nag-aalaga sa kanyang mga anak na may mga mental health conditions

- Hindi umano siya kwalipikado sa ayudang binibigay ng gobyerno dahil may pensiyon siya

- Gayunpaman, 3,000 lang umano ang natitira sa kanyang pensiyon dahil sa mga kinakaltas dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento ng isang 75 anyos na ina na nag-aalaga sa kanyang mga anak na may diperensiya sa pag-iisip.

Walang ibang mag-aalaga sa mga anak ni Lola Rosalinda ng Balingasag, Misamis Oriental.

Sa isang episode ng "Kapuso Mo Jessica Soho," ibinahagi ni Lola Rosalinda na hindi siya napasama sa mga kwalipikado para sa ayuda mula sa gobyerno sa kadahilanang mayroon siyang buwanang pensiyon.

Gayunpaman, 3,000 na lang umano ang natitira sa kanya dahil sa mga kinakaltas sa kanyang pensiyon.

Hindi din umano niya makuha ang perang kanyang dapat kunin sa natira sa kanyang pensiyon dahil isa siyang senior citizen at hindi niya maaring iwanan ang mga anak.

Isang nagmalasakit na kapitbahay ang nagbahagi ng kwento ni Lola. Ibinahagi niya kung paano ito araw-araw na gumigising ng maaga upang gawin ang mga gawaing bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Lola, siya na ang nag-alaga sa kanyang mga anak simula ng pumanaw ang kanyang asawa, ilang taon na ang nakalipas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nagtitinda umano siya bago pa magkaroon ng pandemya.

Dating guro si Lola Rosalinda ngunit hindi naging madali ang buhayin ang kanilang apat na anak kaya nagbebenta siya ng appliances noon kapag weekend.

Sa tulong ng KMJS, isang pasilidad ang nangakong kukopkop sa mga anak ni Lola Rosalinda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel