Romnick Sarmenta, umapela sa fans na i-respeto ang kanyang bagong pag-ibig

Romnick Sarmenta, umapela sa fans na i-respeto ang kanyang bagong pag-ibig

- Lumabas ang usap-usapan tungkol sa bagong karelasyon ni Romnick Sarmenta kamakailan

- Ito ay base na rin sa mga social media posts ng aktor na tila nagpapahiwatig ng pagkakaroon niya ng bagong pag-ibig

- Hindi man niya pinangalanan ang babaeng kanyang tinatangi, hindi maikakailang si Barbara Ruaro ang tinutukoy nito

- Apela niya sa mga taga-suporta niya ay sana ay i-respeto ng mga ito ang kanyang bagong pag-ibig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang mga romantic posts ni Romnick Sarmenta sa Instagram, naging palaisipan sa mga supporters ng aktor ang tungkol sa pagkakakilanlan ng babaeng nagpapatibok sa puso ng aktor.

Hindi man pinangalanan, marami ang nakapansin sa tila pamabutihan ng aktor at ng Indie actress na si Barbara Ruaro.

Ngayong Linggo, June 14, naglabas ng mensahe si Romnick patungkol sa kanyang bagong relasyon.

Hiling niya ay sana irespeto ng kanyang mga taga-suporta ang kanyang karelasyon. Sa comment section ng mga IG posts ni Romnick ay may iilan na nagkokomento ng pangalan ng dati nitong on-screen partner na si Sheryl Cruz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"The simple truth is that no matter who I end up with, people will have things to say.
"If you are a supporter, I appreciate you. I do.
"But I also believe that true supporters know how to respect those they support... and that means being respectful when they comment on their posts.
"Especially when they are about other people you know nothing about. Or the circumstances in their lives.
"Respect begets respect," ani Romnick sa kanyang Instagram Stories.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Romnick ay hiwalay sa asawang si Harlene Bautista noon pang October 2018. Parehas umano nilang desisyon ang paghihiwalay nila.

Si Barbara Ruaro ay dating nakarelasyon ang Eraserheads guitarist na si Marcus Adoro. Naging kontrobersiyal ang kanilang paghihiwalay matapos maglabas ng saloobin si Barbara hinggil sa sinapit niya sa isang hindi pinangalanang karelasyon.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel