Estudyanteng mag-isa na lamang sa buhay, natulungan dahil sa kanyang guro

Estudyanteng mag-isa na lamang sa buhay, natulungan dahil sa kanyang guro

- Naabutan ng tulong ang isang estudyanteng mag-isa na lamang na namumuhay

- Nagtaka ang kanyang mga guro kung bakit panay ang liban nito sa kanilang klase at nalaman nilang pumanaw na pala ang lola nito na nag-aaruga sa kanya

- Dalawang taong gulang pa lamang nang maulila ang estudyante sa kanyang ina

- Pumanaw naman ang kanyang ama noon lamang 2017 kaya naman wala na siyang kasama sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmalasakit ang isang guro na ihingi ng tulong ang kanyang estudyanteng si Aldlimer Virgel Baring.

Nalaman ng KAMI na mag-isa na lamang na namumuhay si Aldlimer kaya naman mas lalong mahirap ang kanyang kalagayan ngayong naka-community quarantine pa rin ang ilang bahagi ng bansa.

Dumulog ang gurong si Jan Aeron Bernardo sa GMA Kapuso Foundation upang mabigyan ng tulong si Aldlimer.

Dalawang taong gulang pa lamang siya nang maulila sa ina kaya naman lumaki siya sa piling ng ama at lola.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit noong 2017, sumakabilang buhay na ang kanyang tatay kaya naman ang lola na lamang niya ang kasa-kasama niya mula noon.

Sa kasamaang palad, pumanaw na rin ang kanyang lola ngayong taong ito na siyang naging dahilan ng madalas niyang pagliban sa klase.

Dahil wala na siyang ibang inaasahan, napilitan siyang mangalakal at minsan ay suma-sideline bilang construction worker.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman ngayong nakararanas tayo ng lockdown, halos walang makain si Aldlimer.

Mabuti na lamang at paminsanan siyang nababahagian ng kanyang kapitbahay at mga guro.

Dahil sa panawagan ng guro niya, nahatiran ng mga pagkain at iba pang niyang mga pangangailangan si Aldlimer na labis niyang pinagpapasalamat.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel