Emman Nimedez, nagbigay ng update matapos ang 1st cycle ng chemotherapy

Emman Nimedez, nagbigay ng update matapos ang 1st cycle ng chemotherapy

- Nagbahagi si Emman Nimedez ng update sa kanyang pagpapagamot matapos ma-diagnose sa sakit na leukemia

- Ayon sa kanya natapos na siya sa uang cycle ng kanyang chemotherapy at maayos umano ang pagtanggap ng kanyang katawan

- Dagdag pa niya, hindi siya tinamaan ng matinding side effect ng chemotherapy at maayos ang kanyang pakiramdam

- Ipinakita niya rin ang pagpapakalbo niya dahil naglalagas na rin umano ang kanyang buhok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ni Emman Nimedez ang kanyang kalagayan sa ospital sa kanyang YouTube video na ibinahagi. Ayon sa kanya, natapos na siya sa unang round ng kanyang chemotherapy at pagbabahagi niya, naglalagas na ang kanyang buhok. Dahil dito, napagpasyahan niyang ipakalbo na lamang ang kanyang buhok.

Hindi umano siya nahirapang gawin ang desisyon na iyon dahil inasahan na siyang maglalagas ang kanyang buhok.

Isang positibong at masayahing Emman ang bumati sa kanyang mga YouTube viewers. Sa kabila ng pagkakaroon niya ng matinding karamdaman, hindi niya ipinakitang pinanghihinaan siya ng loob.

"Hinihintay pa nila sumipa nang todo 'yung epekto ng chemotherapy. So mga dalawa hanggang tatlong linggo pa tayo dito," Epagbabahagi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kanyang kasintahang si Peachy ang gumupit sa kanyang buhok.

"Akala ko automatic na magiging kalbo ka once na na-chemo ka. 'Yun pala hindi. Unti-unti siyang nag-lalagas tapos ia-advise ka rin ng doctor mo na kalbuhin ka na," pagbabahagi niya.

Kahit ang ama ni Emman ay nagpakalbo din upang ipakita ang kanyang suporta sa anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang ibinahagi ni ni Emman ang tungkol sa pagkakaroon niya ng leukemia kamakailan.

Si Emman Nimedez ay isang vlogger na nakilala sa paggawa ng mga parody ng mga music video. Isa sa pinakasumikat niyang gawa ay parody ng Koreanovela OST noong 2017.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel