22-anyos na umuwi ng Quezon mula Maynila, positibo pala sa COVID-19

22-anyos na umuwi ng Quezon mula Maynila, positibo pala sa COVID-19

- Isang 22-anyos mula Lucban, Quezon ang inuulan ng negatibong komento matapos na hindi mag-quarantine gayung galing siya sa Maynila

- Nagawa umano siyang makunan ng swab test ngunit hindi na niya nahintay ang resulta nito bago umuwi sa kanilang bayan

- Pagdating sa Quezon, nagawa pa nitong lumabas ng bahay at sinasabing nakapag-party pa

- Asymptomatic daw ang babae na nasa isang health facility na ngayon habang isinasagawa ang malawakang contact tracing lalo na at marami-raming napuntahan ang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inulan ng pambabatikos ang pinakabagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Lucban, Quezon na sinasabing hindi nag-quarantine kahit siya at galing Maynila.

Nalaman ng KAMI na bago umuwi sa Quezon ang 22-anyos na babaeng ito ay nagawan pa ito ng swab test.

Ngunit hindi na nito nahintay ang resulta bago siya umuwi sa kanilang probinsya.

Ayon sa ulat ni Peewee Bacuño, bukod sa hindi ito nakapag-quarantine, nagawa pa nitong gumala sa kanilang bayan at sinabing nakipag-party pa raw ito.

Ito rin ang nilalaman ng post ni Joselito Delos Reyes na mula rin sa Lucban, Quezon at sinasabing hindi lamang isang party ang napuntahan ng pinakabago nilang COVID-19 patient.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagawa pa raw umanong mai-post sa Facebook ang lahat ng kanyang mga napuntahang kasiyahan sa kanilang bayan.

Inilihim pa niya na nakunan siya ng swab test sa Maynila bago umuwi at naitago niya ito gayung asymptomatic siya.

Humingi ng paumanhin ang babae at sana raw ay maunawaan ng iba ang kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalagak na ngayon sa isang health facility ang babaeng ito na ikalawang kaso pa lamang na naitala sa bayan ng Lucban, Quezon.

Agad ding nagsagawa ng malawakang contact tracing lalo na at maraming napuntahan ang babae.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel