Bangayan ng dalawang teachers, viral na sa social media

Bangayan ng dalawang teachers, viral na sa social media

- Hindi na kinaya ng isang Grade 8 teacher ang paninirang-puri ng kanyang co-teacher sa kanya

- Ang masaklap pa nito, sa mga estudyante pa raw sinabi ni co-teacher ang mga pangit na bagay ukol sa kanya

- Dahil dito, pati ang kanilang mga estudyante ay nadamay na sa gusot nilang dalawa

- Sa sobrang sama ng loob ni ma'am, mukhang mahihirapan talaga siyang magpatawad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Grade 8 teacher na si Theresa Escobido ang dumulog sa programa ng Raffy Tulfo in Action upang ireklamo ang paninirang-puri ng kanyang co-teacher na si Melody Jane Sumauang, isang Grade 9 teacher.

Nalaman ng KAMI na "tsismis" ang ugat ng hindi nila pagkakaunawaan dalawa na umabot pa sa puntong pati ang kanilang mga estudyante ay nadamay na.

Ayon kay Teacher Theresa, nalaman niya sa mga estudyante ni Teacher Melody na sinabihan daw siya nito ng "Maganda lang pero demonyo ang ugali at plastic."

Bangayan ng dalawang teachers, viral na sa social media

Source: YouTube - Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi pa licensed teacher si Teacher Melody kaya naman gusto ni Teacher Theresa na hindi ito makakuha ng board exam.

Pero ayon kay Theresa, sinabi raw ni Melody na okay lang sa kanya na hindi makakuha ng license dahil balak nitong mag-abroad.

Anim na estduyante raw ang pinagsabihan ni Melody ng hindi maganda tungkol kay Theresa, at apat sa kanila ang nagsumbong sa kanya.

Natatakot na rin daw ang ilan sa mga estudyanteng nadamay sa gulo ng dalawang guro.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, ipina-Tulfo na sa wakas ang viral na kuwento nina "Badiday at Toto" at talaga namang agaw-eksena ang kuwento nila sa social media.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel