Ria Atayde at Frankie Pangilinan, umalma sa pahayag ng isang police station

Ria Atayde at Frankie Pangilinan, umalma sa pahayag ng isang police station

- Marami ang umalma sa isang pahayag ng isang police station sa Quezon Province

- Ito ay matapos magpost sa social media ng police station sa Quezon Province tungkol sa pananamit ng mga kababaihan

- Paalala nila, huwag magsuot ng maiksing showrts ang mga kababaihan upang maiwasang mabastos

- Kabilang sina Ria Atayde at Frankie Pangilinan sa mga kilalang personalidad na umalma sa nasabing post.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga netizens ang umalma sa isang Facebook post ng isang police station sa Quezon Province. Dahil sa mga naging negatibong reaksiyon, burado na ang nasabing post kung saan pinaalalahanan ng kapulisan ang mga kababaihan na huwag magsuot ng maiksing shorts para maiwasan na mabastos.

Ang ilang mga netizens ay napakomento dahil sa "victim blaming" umano ng nasabing post. Kabilang sa mga personalidad na umalma ay sina Ria Atayde at Frankie Pangilinan.

Tila hindi makapaniwala si Ria sa naging pahayag ng mga pulis sa kontrobersiyal na Facebook post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman kay Frankie, hindi dapat turuan kung paano manamit ang kababaihan. Dapat ituro na bawal ang mangbastos at mangmolestiya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Marami din sa mga netizens ang naniniwalang hindi tama ang naging pahayag ng Police station.

Lagi na lang kasalanan ng babae. Kapag may lalaki maganda ang katawan na walang suot na tshirt tumitingin kami pero hindi namin sila hinahawakan. Kung manyak kayong mga lalaki kayo ang may kasalanan sa ganyang pagiisip.
Talagang sa kapulisan pa nanggaling ang ganitong mensahe? Bakit hindi infographics na addressed para sa manyakis ang gawin?

Samantala meron ding ibang naniniwalang may punto ang mga kapulisan.

whether it’s 2020 or 20 BCE, temptation is already a sinful inclination that everyone is battling with .... if women dress provocatively, admit it, they feed on men’s lustful tendencies ... besides bakit May mga lingeries, sexy underwear? To elicit sexu4l desire .... if women dress conservatively they minimize these tendencies kayo naman!
Deny it all you want. The way you attract men is through revealing clothes. Wag na tayong maglokohan dito. Why show off your b0obs and legs if not to attract attention from....MEN. Alanganin namang wanting attention from old people.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel