Iza Calzado, sobra-sobra ang pasasalamat sa kasambahay

Iza Calzado, sobra-sobra ang pasasalamat sa kasambahay

- Itinampok ng bagong programa ni Judy Ann Santos ang naging kwento ng buhay ni Iza Calzado

- Ibinahagi ng aktres ang pinagdaanan niya sa buhay simula nang bata pa siya hanggang sa kamakailan ay tamaan siya ng COVID

- Ipinagpasalamat niya sa kanyang kasambahay na hindi siya iniwan nito sa kabila ng pag-udyok ng pamilya nito na umalis na dahil sa COVID

- Binigyan ni Iza ng susi ng kanilang bahay si Donna Garcia bilang tanda ng pagiging parte ng pamilya nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang episode ng bagong show ni Judy Ann Santos, itinampok ng “Paano Kita Mapasasalamatan" ang natatanging kwento ng buhay ni Iza Calzado.

Isinalaysay ng aktres ang kanyang naging karanasan simula nang bata pa siya na naging daan upang maging mas malakas at matatag siyang lumaban sa mga hamon ng buhay.

Ayon kay Iza, hindi naging maganda ang relayon ng kanyang magulang at madalas niyang naririnig ang pagtatalo ng mga ito.

Abot-abot ang naging pagpapasalamat ng aktres sa kaniyang kasambahay na si Donna Garcia na hindi umalis sa poder niya sa kabila ng mga pag-uudyok ng kanyang pamilya na umalis na lalo at tinamaan ng COVID si Iza.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katwiran niya, “Kailangan ako ng amo ko.”

Pinaka pinagpapasalamat ng aktres ang pag-aasikaso nito sa kanyang nakababatang kapatid. Bilang pasasalamat, binigyan ni Iza si Donna ng susi at sinabing kahit anong oras ay welcome siya sa bahay nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

“Bahay natin ito,” ani Iza kay Donna.

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa pagpositibo ni Iza Calzado sa COVID-19 nitong Marso. Ito ay matapos kumpirmahin ng kanyang talent manager na siya ay nasa ospital at nagpapagaling.

POPULAR: Read more about Iza Calzado here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel