Mag-asawang Pokwang at Lee O’ Brian, magkatuwang na gumagawa ng gawaing bahay

Mag-asawang Pokwang at Lee O’ Brian, magkatuwang na gumagawa ng gawaing bahay

- Ibinahagi ng mag-asawang Pokwang at Lee O'Brian ang kanilang buhay habang wala ang kanilang mga kasambahay

- Ayon sa kanila, pinauwi na muna nila ang kanilang mga kasambahay upang makasama nila ang kani-kanilang pamilya

- Magkatuwang na ginawa ng mag-asawa ang mga gawaing bahay kagaya ng paglalaba, pag carwash, paghugas ng plato at marami pang iba

- Kinabiliban ng mga netizens ang mag-asawa sa kanilang pagiging maunawain at mapagmahal sa kanilang kasambahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos pauwiin ng mag-aswang Pokwang at Lee O'Brian ang kanilang mga kasambahay sa mga pamilya nito, natutunan nila na gawin ang mga gawaing bahay.

Sa isang YouTube video, ibinahagi ng mag-asawa kung paano nila ginagawa ang ilan sa mga gawaing bahay nang magkatuwang.

Pagbabahagi ng mag-asawa, nais nilang makasama ng kanilang mga kasambahay ang kani-kanilang pamilya lalo sa panahon ngayon.

Magkatuwang nilang ginawa ang mga gawaing bahay kagaya ng pagdidilig at paghahalaman, paglalaba, paghuhugas ng plato at paglilinis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit sanay sa paggamit ng washing machine, naglaba si Lee ng mano-mano. Aminado sila na hindi madali na walang katulong sa bahay kaya naa-apreciate umano nila ang kanilang mga kasambahay.

Gayunpaman, nagustuhan ni Lee ang paghahalaman sa lahat ng kanyang ginagawang gawaing bahay.

Mag-asawang Pokwang at Lee O’ Brian, magkatuwang na gumagawa ng gawaing bahay

Mag-asawang Pokwang at Lee O’ Brian, magkatuwang na gumagawa ng gawaing bahay
Source: Instagram

Narito ang ilang komento ng netizens:

I bet you have never experienced washing clothes with your hands, now you're a full blooded filipino. Cute. Lee is very transparent, what you see is the real him.
The best couple ever! Funny and sweet. We love you Tita Pokwang! You never failed to put laughter in our faces! Stay safe sa buong family mo.
Super Genuine and down to earth talaga ng Couple na to. Keep on doing what you do, spread goodness and positivity. Godbless family PokLee!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ay isang komedyante, TV host, singer at product endorser. Kadalasang tungkol sa sarili niya ang kanyang mga biro kapag siya ay nagpapatawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipagrelasyon sa aktor na Amerikanong si Lee O'Brian. noong buwan ng Enero noong 2015. Nabuntis siya ngunit sa kasamaang palad ay nakunan noong Agosto ng parehong taon. Muli siyang nagbuntis at ibinahagi niya ito sa kanyang Twiiter account noong June 16, 2017. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Briani sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel