Lovi Poe, ipinasyal ang mga netizens sa kanyang sosyaling bahay

Lovi Poe, ipinasyal ang mga netizens sa kanyang sosyaling bahay

- Bilang isa sa mga kilalang fashionista at laging stylish, hindi nakapagtataka na ganun din ang kanyang bahay

- Sa isang virtual house tour ay inilibot ni Lovi ang mga netizens sa kanyang sosyaling bahay

- Ibinahagi din ni Lovi na nakatakda siyang lumipat ng bahay kaya nakaempake na halos ang kanyang mga gamit

- Pinangako niya din sa mga viewers na gagawa din siya ng virtual house tour sa kanyang lilipatang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa ganda ng bahay ng Kapuso actress na si Lovi Poe. Sa isang episode ng programang 'Mars Pa More,' isang virtual house tour ang ibinahagi ni Lovi para sa mga manonood.

Ayon kay Lovi, mas naapreciate niya ang napili niyang kulay sa kanyang bahay ngayong pandemic. Dito umano siya namalagi ngayong quarantine period.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya
Lovi Poe, ipinasyal ang mga netizens sa kanyang sosyaling bahay

Photo from Flickr (flickr.com/photos/fryandtricky/8441568003)
Source: UGC

Gayunpaman, hindi buong bahay ang naipakita ni Lovi dahil nakatakda na siyang lumipat ng bahay at nakaempake na umano ang karamihan sa kanyang mga gamit.

Sinabi niya ring gagawa din siyang ng house tour sa kanyang lilipatang bahay.

Puti at asul ang karamihan sa kulay na makikita sa kanyang bahay.

Sa isang bahagi ng video ay ipinakilala niya ang kanyang fur baby na si Señor.

Kagaya ng kanyang living area, Instagram worthy din ang kanyang kusina na tila ba desenyo ng mga bahay na nakikita sa internet.

Para naman mapanatili ang kanyang fit na pangangatawan, mayroon siyang treadmill at weights sa kanyang gym.

Kagaya ng kinagigiliwan ng karamihan ngayon, mayroon ding garden si Lovi kung saan maari siyang makapagpahinga habang napapalibutan ng mga halaman at sariwang hangin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Lovi Poe ay isang Kapuso actress at isa ding mang-aawit. Ang kanyang ina ay ang dating beauty queen na si Rowena Moran. Ang kanyang ama naman ay ang yumaong hari ng action movies na si Fernando Poe Jr.

Ella Cruz, sumemplang sa big bike habang nasa training

Kamakailan ay nag-viral ang throwback video ng pagsasayaw ni Lovi kasama si Senator Grace Poe.

Naging usap-usapan din ang naging asal ng aktres sa kanyang make-up artist matapos itong mairita.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel