75-anyos na ina ng dalawang lalaking may sakit sa pag-iisip, humihingi na ng saklolo

75-anyos na ina ng dalawang lalaking may sakit sa pag-iisip, humihingi na ng saklolo

- Humihingi na ng tulong ang isang ina ng dalawang lalaking may sakit sa pag-iisip

- 75-anyos na siya at aminadong hindi na ganoon kalakas upang alagaan ang dalawang anak

- Isa sa mga ito ay bayolente kaya napilitan siyang igapos ito habang ang isa ay palaboy-laboy

- Natatakot ang ina para sa mga anak lalo na at may edad na siya at mas lalong nahirapan pa dahil sa dagok ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakadurog ng puso ang kalagayan nina Lola Rosalinda at dalawang mga anak nito na pawang may mga sakit sa pag-iisip.

Nalaman ng KAMI na 75-anyos na ang ina kaya naman labis na nababahala na siya para sa kayang mga anak.

Ayon pa sa panayam sa kanya ng programang Kapuso mo, Jessica Soho, dala ng kanyang edad ay di na siya ganoon kalakas para maayos na maalagaan ang kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang isa sa mga ito ay bayolente kaya labag man sa kanyang kalooban, ay kailangan niya itong igapos.

Ang isa naman ay hindi na niya mapigilan sa paglaboy.

Ang masaklap pa raw sa kanilang sitwasyon, wala siyang tinatanggap na pension kahit na siya ay senior citizen na at masasabi niyang nabubuhay pa raw siya sa utang.

Nakadagdag pa lalo sa hirap ng kanilang sitwasyon ay ang dagok ng pandemya dahil hindi siya makapaghanapbuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nagdadasal ako sa Panginoon, 'Panginoon, tulungan mo ako. Pagalingin Mo ang aking mga anak. Kasi mahirap mahiwalay sa mga anak na mas mahal mo sa iyong buhay. Naaawa talaga ako sa kalagayan ng aking mga anak," naluluhang pahayag ni Lola Rosalinda.

Dahil dito, walang ibang hiling ang mga netizens kung hindi ang matulungan ang mag-iina habang ang iba ay nais na magpaabot mismo ng tulong para sa mga ito.

Ang ilan naman ay humanga sa katatagan ni Lola Rosalinda na patunay lamang daw ng tunay na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel