Lolo na naglalako ng saging, naiyak nang pakyawin ng isang pulis ang kanyang paninda

Lolo na naglalako ng saging, naiyak nang pakyawin ng isang pulis ang kanyang paninda

- Viral ang larawan ng isang pulis na pinakyaw ang paninda ng isang matanda na nagtitinda ng saging

- Imbis na sitahin, binili na niya lahat ng paninda ng lolo upang ito ay agad nang makauwi

- Bukod pa rito nagbigay rin siya ng tulong na maiuuwi ng matanda sa kanyang pamilya

- Dahil dito, napaluha raw ang matanda habang nagpapsalamat sa ginawang pagtulong sa kanya ng pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig ang puso sa binahaging mga larawan ng Gov.Garry Facebook page dahil sa pagtulong ng isang pulis sa matandang naglalako ng saging.

Nalaman ng KAMI na nakita ng pulis na si Police officer Jojo Paguia ang isang matandang lalaki na naglalakad sa kabila ng napakainit na panahon.

Nang kanya itong sitahin, nalaman nilang naglalako pala ito ng saging.

Laking gulat ng matanda nang sinabi nang pulis na papakyawin na lamang niya ang mga paninda upang makauwi na agad ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Lubha raw kasing mapanganib para sa senior citizen na tulad ng naglalako ang mag-ikot pa at makasalamuha ng ibang tao dahil patuloy pa rin ang paglaganap ng virus.

Bukod pa rito, nagbigay pa ng tulong ang pulis na maiuuwi ng lolo sa kanyang pamilya. Hindi na rin nito kinuha ang kanyang sukli upang may maisubing pera pa ang matanda.

Dahil dito, di naiwasang maluha ng lolo sa pagpapasalamat sa ginawang pagtulong sa kanya ng pulis.

Hinangaan ang kabutihan ng pulis ng napakaraming netizens at patunay lamang ito na may mabubuting puso ang mga alagad ng batas at nararapat lamang na pamarisan si Police Officer Paguia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Big salute sa'yo sir, sana dumami po ang tulad niyo"
"Sir, sana tularan kayo ng iba pang naka-unipormeng tulad ninyo"
"Nakakaluha po ang pagtulong ninyo sa matanda para lamang makauwi na siya"
"Ito dapat ang pinapasikat dahil sa kabutihan. very good po sir!"
"Nakakabilib ang mga ganitong pulis!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel