Asawa ni Mitch Talao, nagdadalang-tao sa kanilang pangalawang anak

Asawa ni Mitch Talao, nagdadalang-tao sa kanilang pangalawang anak

- Masayang ibinahagi ni ex-PBB housemate Mitch Talao na muli silang magkakaanak ng asawang si Dudz

- Sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Mitch ang litrato ng anak nila na may hawak na sonogram

- Makikita din sa nasabing sonogram na nakalagay ang apelyido ni Dudz na Ibanez

- Si Mitch Tao ay isang transgender na ikinasal sa kanyang transgender din na asawa habang siya ay nasa loob ng PBB house

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng ex-PBB housemate na si Mitch Talao na magkakaroon muli sila ng anak ng asawang si Dudz Ibanez.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Mitch ang litrato ng kanilang anak na may hawak ng sonogram. Makikita sa nasabing sonogram ang apelyido ni Dudz na Ibanez.

Bumuhos ang mensahe ng pagbati para sa mag-asawa.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong 2019 habang nasa loob ng PBB house si Mitch. Naipalabas rin sa Maala-ala Mo Kaya ang kwento ng buhay ng mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang guesting sa Magandang buhay, ikinuwento ng mag-asawa ang kanilang pinagdaanan nang magbuntis si Dudz. Sinabi rin ng mag-asawa na balak nilang sundan ang anak nilang si Eros.

Kamakailan lang ay nagbahagi ng pahiwatig si Mitch tungkol sa pagbubuntis ni Dudz.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kanyang pinakahuling Instagram post, nagbahagi si Mitch ng Bible verse kalakip ang litrato ni Eros na may hawak na sonogram ng kanilang pangalawang baby.

I prayed for this child, and The Lord has granted me what I asked of him.” -1Samuel1:27

Si Mitch Talao ay isa sa mga Official Housemates ng 2nd batch ng Pinoy Big Brother 8. Nakilala siya sa bilang "Trans mama ng Lucena."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel