Pagkikita ng magkaibigang Yeng Constantino at Angeline Quinto, kinagiliwan ng netizens

Pagkikita ng magkaibigang Yeng Constantino at Angeline Quinto, kinagiliwan ng netizens

- Ibinahagi ni Yeng Constantino ang mulingpagkikita nila ng matalik na kaibigang si Angeline Quinto

- Marami ang naaliw sa magkaibigan na halatang na-miss ang isa't-isa sa kanilang muling pagkikita

- Dahil sa patakaran na dapat sumunod sa social distancing, nakontento na lamang ang dalawa sa hiyawan at tawanan

- Kilalang malapit na magkaibigan ang dalawang mang-aawit na sina Yeng at Angeline

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa muling pagbabalik ng ilang programa ng ABS-CBN, muling nagkita-kita ang mga Kapamilya stars. Sa ibinahaging video ni Yeng Constantino, marami ang naaliw sa reaksiyon ng magkaibigang Yeng at Angeline Quinto nang muling magkita.

Matapos ang ilang linggong hindi nakita, kitang-kita sa nasabing video kung gaano nila na-miss ang isa't-isa. Gayunpaman, upang masunod pa rin ang physical distancing, hindi magawang magyakap ng dalawa.

Napuno ng hiyawan at tawanan ng dalawa ang muli nilang pagkikita. Marami naman ang naka-relate sa ganoong tagpo at naiisip ang mangyayari sa muli nilang pagkikita ng kanilang mga kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilalang malapit na magkaibigan ang dalawang mang-aawit na sina Yeng at Angeline na kapwang nakilala matapos manalo sa mga talent search sa telebisyon. Si Yeng ay nanalo sa Pinoy Dream Academy samantalang nanalo naman sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar si Angeline.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao. Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Kasunod din nito ay ang pagtigil ng pag-ere ng mga programa ng ABS-CBN matapos ibaba ng NTC ang cease and desist order laban sa nasabing TV network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel