Sagutan nina Alex Gonzaga at rapper na si Matthaios, trending sa social media

Sagutan nina Alex Gonzaga at rapper na si Matthaios, trending sa social media

- Marami ang naintriga sa nagmistulang rap battle nina Alex Gonzaga at rapper na si Matthaios sa Twitter

- Hindi nagpatalo si Alex sa binitawang mga salita matapos banggitin ng rapper ang mga naging kanta ng vlogger

- Isa sa pinasikat na awitin ni Alex ay ang "Chambe" na may kalakip pang dance steps at naging sikat din sa social media

- Ang rapper na si Matthaios ay nakilala sa kanyang pinasikat na awiting "Catriona"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matindi ang naging sagutan nina Alex Gonzaga at rapper na si Matthaios sa Twitter. Nagmistulang rap battle at barahan ang kanilang sagutan na inantabayanan ng mga netizens.

Isang tweet mula kay Matthaios ang ibinahagi ni Alex kung saan nabanggit ang isang kanta niyang pinamagatang "Amfee."

"Ewan ko na lang ah, pero I just heard yung song na "AMFEE" and I think she was facing the mirror nung kinakanta niya 'yon. Lol, jk!" ani Matthaios.

Kasunod nito sinagot ni Alex ang patutsada ng rapper sa pamamagitan ng isang rap. Kalakip ng video ay naka-tag ang Twitter account ni Matthaios.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Buwelta naman ni Matthaios, sa vlogging lang naman sikat si Alex at hindi naman umano "Malupet" ang kanyang kantang "Chambe."

Sagot naman ng aktres, sa kanta niyang Chambe, alam iyon ng kanyang pamangkin at aprubado pa ni Toni. Ang tinutukoy niya ay ang kantang ginawa ni Matthaios na "Catriona" na naging isang dance trend din sa social media.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami sa mga tagasupporta ng aktres ang naghayag ng kanilang pagkadismaya sa umano'y pangmamaliit na ginawa ng rapper kay Alex.

Gayunpaman, nilinaw ni Alex na nagkausap na sila ni Matthaios at tila nagkaayos na ang dalawa.

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex. Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials, travel adventures at iba't-ibang uri ng content.

POPULAR: Read more news about Francis Alex Gonzaga here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel