Mister, matiyagang itinutulak ang wheelchair ng misis na may stage 5 cancer upang maipa-dialysis

Mister, matiyagang itinutulak ang wheelchair ng misis na may stage 5 cancer upang maipa-dialysis

- Marami ang naantig sa larawan ng isang mister na matiyagang itinutulak ang wheelchair ng misis patungong dialysis center

- Tinatayang nasa 12 kilometro ang kanilang tinatahaka dahil sila ay nakatira pa sa Bagong Silang, Caloocan City at ang dialysis center ay nasa Fairview

- Diniskartehan na ng mister ang kanyang bisikleta para mas mapabilis ang kanyang pagtutulak

- Hirap umano silang makakuha ng sasakyan dala na rin ng pagtitipid dahil sa maliit na kita ng mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang larawan ng mister na matiyagang tinutulak ang wheelchair na lulan ang misis patungo sa dialysis center.

Ayon sa Philippine Star, limitado pa rin ang mga sasakyan kaya naman sinikap na lamang ng mister na si Manolito Palacio na madala pa rin ang misis niyang si Marilou sa dialysis center sa Fairview Quezon City.

Stage 5 kidney disease ang iniindang karamdaman ni Marilou kaya naman labis itong nangangailangan ng medikal na atensyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tinatayang nasa 12 kilometro ang tinatahak nilang layo dahil sa nagmumula pa sila sa Bagong Silang, Caloocan City.

Dahil dito, diniskartehan na ni Manolito ang kanyang bisikleta at idinikit niya ito sa wheelchair ng misis upang kahit na paano'y mas mapabilis ang kanilang biyahe.

Bukod kasi sa limitado pa rin ang mga sasakyan sa Metro Manila, malaking pagtitipid din ang ginagawa ng mag-asawa dahil matumal ang kita ng mister.

Sa ngayon kasi ay suma-sideline lamang daw si Manolito kung saan siya kumikita ng P1,000 ngunit hindi regular.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang malaking suliranin ang naidulot ng COVID-19 na ramdam ng karamihan nating kababayan.

Tulad na lamang ni Manolito, di lamang ang COVID-19 ang pinangangambahan kundi ang pagkalam ng kanilang sikmura at ang malubhang karamdaman ng misis na si Marilou.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel