Lolo na may sakit at nananatili sa bangketa, hiling na makapiling ang mga anak sa Bicol

Lolo na may sakit at nananatili sa bangketa, hiling na makapiling ang mga anak sa Bicol

- Matapos na mag-viral ang video ng isang matanda na sa kabila ng pandemya ay nananatili sa bangketa, natulungan

- Hiniling din niyang makauwi na sa Bicol upang makapiling ang kanyang mga anak

- Aminadong naging iresponsable siyang ama kaya naman humingi na rin siya ng tawad sa mga anak na nais na niyang uwian matapos ang nasa dalawang dekada nilang pagkakawalay

- Nadala sa ospital ang matanda ngunit dahil hindi naman nito kinakailangan na ma-admit, dinala na lamang ito sa Delpan Sports Complex na pansamantala niyang tirahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang matandang lalaki ang nakaagaw ng pansin ng isang netizen sa may Sampaloc, Manila na sa kabila ng pandemya ay nananatili pa rin sa bangketa.

Matapos na mag-viral ang video ng businesswoman at vlogger na si Rosemarie Tan na siyang unang tumulong kay Bernardo Catacutan Jr., agad namang rumesponde ang 24 oras.

Sa panayam ng GMA News reporter na si Vonne Aquin kay Lolo Bernardo, nagtungo siya ng Maynila upang magtrabaho at naiwan niya ang kanyang pamilya sa Camarines Sur.

Hiwalay na siya sa kanyang asawa at aminado siyang naging iresponsable siyang ama sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kapansin-pansin sa kanyang larawan ang tindi ng ibinagsak ng kanyang katawan dulot ng kanyang sakit na tuberculosis na sampung taon na niyang iniinda.

Hindi naman daw siya mabigyan ng gamot kaya hindi naapulahan ang kanyang karamdaman.

Hiling ngayon ni Lolo Bernardo ay ang makauwi na sa Bicol upang makapiling ang kanyang mga anak na dalawang dekada na niyang hindi nakakasama.

Sinamantala na rin niya ang pagkakataong iyon upang makahingi ng tawad sa mga ito sa mga pagkukulang niya bilang isang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Naging iresponsable po akong ama, naging makasarili rin ako. Kaya sa mga anak ko, sana mapatawad niyo ako," panawagan ni Tatay Bernardo.

Samantala, nadala naman siya sa Ospital ng Maynila upang matingnan ang kanyang kalagayan.

Ayon sa doktor, hindin naman daw ito kainakailangang i-admit at simpleng ubo lamang ang iniinda nito.

Dinala muna siya pansamantala sa Delpan Sports Complex kung saan siya maninirahan habang nagpapagaling bago siya tuluyang makauwi sa Bicol.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel