48-anyos na ginang na matiyagang nagbebenta ng taho, hinangaan ng marami

48-anyos na ginang na matiyagang nagbebenta ng taho, hinangaan ng marami

- Marami ang humanga sa kasipagan ng isang ginang na matiyagang nagbebenta ng taho

- Di alintana ang bigat ng pinapasan na lagayan nito, may maipantustos lamang sa pangangailangan ng kanilang pamilya

- Na-stranded ang kanyang mister sa Batangas kaya di ito makabalik ng Maynila

- Nangangailangan din ng tulong ang kanilang pamilya lalo na at wala pa rin silang natatanggap na ayuda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin ang nakakadurog ng pusong larawan ng isang ginang na nakilalang si Aling Florencia na matiyagang nagtitinda ng taho.

Binahagi ng netizen na si Jean Jaballas ang larawan ni Aling Florencia habang ito ay naglalako.

Naglilibot sa Kamaynilaan ang ginang na nagtitinda upang may pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na ang kanyang mister ay na-stranded sa Batangas kaya hindi ito makabalik sa Maynila kung nasaan ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito ang dahilan kung bakit naisipan na ni Florencia na maglako ng taho para di kumalam ang sikmura nila ng kanyang mga anak.

Mabigat ang kanyang pasan habang naglalakad, maayos niya itong nagagawa alang-alang sa kanyang pamilya.

Sa kasamaang palad din daw kasi ay wala silang natanggap na anumang ayuda kaya naman nagsusumikap itong magbanat ng buto.

Marami ang humanga sa kasipagan ng ginang na ito at wala silang ibang hangad kundi ang mabigyan ito ng ayuda at makabalik na rin ng Maynila ang asawa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang iba naman ay nagpabatid na nais nilang tumulong. Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"Yan ang totoong at madiskarte nanay hndi po alintana ang hirap mag buhat ng taho para mabuhay lang ang mga anak ..ate naway pagpalain kpa ng dios sa iyo ginawa..gabayan ka sa lhat ng ginagawa mo..god bless you and your family"
"Di dapat syang kaawaan kundi hangaan tignan nyo di sya nagmamakaawa kundi kumikilos para sa pamilya nya. Saludo ako sa inyo nay di bale may blessings na darating para sau. Godbless po"
"Saludo ako sa inang katulad nya mabuhay ka lahat gagawin pra maitaguyod ang mga pangangailangan sa pamilya kya kyo mga may nanay pa pahalagahan natin ang ating ina dhl kung wala ang ating ina wala tyo sa mundong ito"
"Bilang isang ina gagawin ang lahat para sa pamilya,God bless po."
"Saludo po ako sau kht sa anung paraan gagawin mo pra lng sa family mo..god bless po at ingat"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel