Anak, binibenta ang lahat ng kanyang "fan art" para maipagamot ang inang na-ospital

Anak, binibenta ang lahat ng kanyang "fan art" para maipagamot ang inang na-ospital

- Ipinagbibili ng isang anak ang kanyang mga fan art upang may magastos sa pagpapagamot ng kanyang ina

- Wala raw PhilHealth ang kanyang ama kaya hindi niya alam kung saaan kukuha ng pambayad sa ospital

- Karamihan ng kanyang mga ginagawa ay pawang mga artista ng Kapamilya network

- Kahanga-hanga ang husay niya sa paggawa ng portrait ng mga kilalang celebrity kaya mabilis na nabili ang karamihan ng kanyang mga gawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng isang mahusay na artist na si Ritzel Obreque Oyao kung saan naisipan niyang ibenta ang lahat ng kanyang mga obra para sa kanyang ina.

Kwento ni Ritzel, nadala umano ang kanyang ina sa ospital dahil sa taas ng presyon nito dahilan para hindi nito maigalaw ang kanyang kanang bahagi ng kanyang katawan.

Labis na namroblema si Ritzel sa bill ng ospital dahil wala umano silang PhilHealth na maaring magamit.

Hindi rin daw alam ng kanyang ama kung saan sila kukuha ng pambayad ng hospital bill kaya naisipan niyang ibenta ang lahat ng kanyang nagawang fan art.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kahanga-hanga ang husay ni Ritzel sa paggawa ng portrait kaya hindi nakapagtataka na mabilis niyang naibenta lalo na ang mga ginuhit niyang mga Kapamilya artists.

Sa ngayon, ang iba pang international artist ang natitira para ma-bid upang hindi na siya mamroblema sa gastusin sa ospital ng kanyang ina.

Nagpaalala rin siya na huwag basta maniwala sa mga modus na dumarami na ngayon at tanging ang mga post lamang niya sa Facebook account ang lehitimo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga nakakabilib na obra ni Ritzel:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel