Pera ng nasawing si Michelle Silvertino, nawawala ayon sa pamilya nito

Pera ng nasawing si Michelle Silvertino, nawawala ayon sa pamilya nito

- Nawawala ang huling pera ng yumaong si Michelle Silvertino na nagkakahalaga ng P6,000 ayon sa nanay nito na si Marlyn

- Natanggap na ng pamilya ang mga gamit ni Michelle maliban sa perang sinahod nito bilang kasambahay

- Hindi naman matanggap ni Marlyn ang sinapit ng anak na nanatili sa isang footbridge sa loob ng limang araw para maghintay na makauwi sa kanilang bayan

- Nangako naman ang Malacañang na hindi na mauulit ang nangyari kay Michelle na pumukaw sa atensyon ng maraming Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sobrang hirap at pagtitiis ang sinapit ng 33-anyos na si Michelle Silvertino bago ito tuluyang pumanaw noong June 5.

Sa kabila nito, sinabi ng ina nito na si Marlyn na nawawala ang pera ni Michelle na nagkakahalaga ng P6,000, base sa ulat ng Inquirer.

Natanggap na raw nila ang lahat ng mga gamit ng anak maliban sa huling ibinayad dito ng amo bilang isang kasambahay.

Ayon sa report, kinukumpirma pa ng mga awtoridad ang impormasyong ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Marlyn ang sinapit ng anak na limang araw na nanatili sa isang footbridge sa Pasay City bago tuluyang binawian ng buhay.

Ayon sa death certificate nito, si Michelle ay “probable” case of the new coronavirus disease (COVID-19).

Nais sana ni Marlyn na ma-autopsy ang mga labi ni Michelle upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito. Ngunit kung hindi ito maaari ay hiniling na lamang nito na maiuwi ang mga abo nito.

Ayon sa lumabas na report, si Michelle ay positibo sa COVID-19 base sa isinagawang inisyal na test dito, na una nang naiulat ng KAMI.

Kinundena naman ni Calabanga Councilor Levi Sta. Ana Jr. ang nangyari kay Michelle at sinabing may kapabayaan ang mga pulis at ang mga barangay officials.

"What happened here is negligence. They neglected our fellow Bicolano … They should have immediately taken her to the hospital and not send her back to the footbridge," anito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isang report ng KAMI, sinabi ni assistant Pasay police chief Police Lt. Col. Deanry Francisco na tinulungan nila si Michelle ngunit tumanggi na itong madala sa barangay para sana matulungan ito roon.

Si Michelle ay breadwinner sa kanilang pamilya, panganay sa siyam na magkakapatid. Inulila nito ang apat na maliliit pang mga anak.

Samantala, nangako naman ang Malacañang na hindi na mauulit ang nangyari kay Michelle na pumukaw sa atensyon ng maraming Pinoy.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ni Michelle upang matulungan ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel