Delivery rider, napaiyak nang i-cancel ng customer ang mga order na may halagang ₱12,000

Delivery rider, napaiyak nang i-cancel ng customer ang mga order na may halagang ₱12,000

- Napaluha na lang ang isang delivery rider nang biglang i-cancel ng customer ang mga order na nagkakahalaga ng ₱12,000

- Confirmed order daw umano ito at siya muna ang nag-abono dahil ito ay cash on delivery

- Katwiran daw ng customer, may gasgas na ang mga bike kaya di na nila ito tinanggap

- May netizen na nagmamalasakit ngayon sa rider na ibenta ang bike dahil malaking halaga ang nawala sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang larawan ng isang delivery rider na napaiyak sa sama nang loob nang tanggihan ng kanyang customer ang mga order nitong bike.

Nalaman ng KAMI na cash on delivery ang mga order na bike kaya naman abonado pa ang rider na si Prince Salvador.

Ayon kay Prince, hindi raw tinanggap ng customer ang mga bike na nagkakahalaga ng ₱12,000 dahil mayroon na raw itong gasgas.

Pinaliwanag ng rider ang kanyang sitwasyon gayung mula Valenzuela, sinikap niyang mai-deliver ito sa Antipolo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dahil dito, isang netizen ang nagmalasakit na tulungan si Prince.

Ayon kay Rissa Camongol nakita niya raw mismo si Prince at inusisa kung ano ang nangyari dito.

Nang malaman, agad niyang nai-post ang larawan nito sa pagbabakasakaling mayroong bibili ng bike. Sa ganitong paraan, maibabalik ang kapital ni Prince na malaking kawalan sa kanya.

Samantala, isa sa isinusulong ngayon ng House of Representative ay ang pagpaparusa sa mga taong nagkakansela ng mga kumpirmadong orders lalo na ng pagkain at groceries.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nadadalas na kasi ang mga pangyayari kung saan nabibiktima ang kaawa-awang mga riders na marangal na naghahanapbuhay ngunit nawawalan ng kapital dahil sa panloloko ng iba.

Kung maisusulong, maaring makulong ng hanggang anim na taon ang sinomang magkakasala at ang pagpiyansa na aabutin ng nasa ₱100,000.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel