OFW na walang trabaho dahil sa pandemya, nakakapagpakain pa ng mga kababayan araw-araw
- Marami ang bumilib sa OFW Sa Dubai na kahit wlang trabaho ay nagagawa pa ring tumulong sa kanyang mga kababayan
- Tinatayang nasa 200 na mga kapwa niya Pilipino ang napapakain nilang mag-asawa kada araw
- Nang malaman ng iba pang mga Pinoy ang kabutihang ginagawa na ito ng mag-asawa, nagpapadala na rin umano ito ng donasyon para maipagpatuloy ng dalawa ang kanilang pagtulong sa kapwa Pilipino
- Ayon sa Pinay, wala naman daw ibang aasahan doon ang kapwa niya Pilipin kundi ang isa't isa kaya naman minarapat nilang tumulong
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang ginagawa ng Pinay na si Feby Dela Peña na kasalukuyan ngayong nasa Dubai kasama ang kanyang pamilya.
Nalaman ng KAMI na isa si Feby sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ngunit hindi ito naging hadlang upang maghatid siya ng tulong sa mga kapwa niya Pilipino roon.
Ayon sa South China Morning Post, tanging ang kita ng mister ang pinagkakasya ng pamilya ni Feby upang maitawdi nila ang araw-araw sa gitna ng krisis.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Ngunit sa kabila nito naisipan pa rin nilang tumulong sa kanilang mga kababayan na nasa Dubai na higit na mas nanganganilangan kumpara sa kanila.
Araw-araw, tinatayang nasa 200 na mga Pilipino ang napapakain nina Feby at ito ang mga kababayan nilang wala na talagang mapagkukunan ng pangkain dala ng ilang buwang kawalan ng trabaho.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nang malaman naman ito ng iba pang mga Pilipino na kahit paano'y may kakayanan pang magbigay, nagpaparating ang mga ito ng donasyon upang maipagpatuloy nina Feby ang pagtulong na kanilang ginagawa.
Ayon sa Pinay, maging sila ay hirap dn sa buhay ngunit sa panahon ngayon na krisis ang kinahaharap ng mundo dala ng pandemya, wala raw ibang aasahan ang mga kapwa niya Pilipino sa Dubai kundi ang isa't isa.
Narito ang kabuuan ng video:
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh