Amo, binigyan ng limpak-limpak na salapi ang matapat at mabuting empleyado

Amo, binigyan ng limpak-limpak na salapi ang matapat at mabuting empleyado

- Viral ang video ng vlogger na si The Hungy Syrian Wanderer patungkol sa kanyang "premyo" sa kanyang matapat na empleyado

- Kotse sana ang ibibigay niya rito ngunit hindi pa raw marunong magmaneho ang kanyang trabahador

- Ipinakita rin sa video ang kasipagan at kabutihan ng trabahador kaya naman nararapat daw na bigyan ng pabuya

- Pinaaalalahanan din ng amo ang kanyang empleyado nang maayos na paghawak ng pera lalo na ang pagbabahagi nito sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang naantig ang mga netizens sa pagtulong ng vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer sa kanyang trabahador.

Kwento ng vlogger na si Basel Manadil, si Joe ay isang construction worker na siyang gumawa ng isa sa kanyang mga shops.

Dahil sa pinakita nitong dedikasyon sa trabaho, kinuha na siya ni Basel bilang empleyado ng kanyang negosyo upang may permanente raw itong kita.

Sa video, pinakita kung gaano kabuti ng trabahador at mapapansin ding masayahin ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tila naging assistant na rin ito ni Basel na kanyang kasa-kasama sa mga kanyang mga lakad.

Bakas ang kabutihan ni Joe kaya naman madalas na rin itong mabalatuhan ng amo.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lamang pagkain, birthday celebration, makeover o sapatos ang naisipang ibigay ni Basel kay Joe.

Sinurpresa niya ito ng pera bilang balato sa pagiging matapat na empleyado ni Joe.

Tinatayang nasa ₱20,000 ang perang binigay ni Basel kay Joe na walang pagsidlan ang kasiyahan.

Ayon pa sa vlogger, kotse sana talaga ang bibigay niya kay Joe ngunit hindi pa ito marunong mag-drive.

Pinangako naman nito na kung manatiling 'loyal' si Joe at pagbutihin pa lalo nito ang kanyang trabaho, pasa-saan pa at mabibiyayaan na siya nito ng kotseng matatawag niyang sa kanya.

Pinayuhan din nito si Joe ng tamang paghawak ng pera. Mainam na magbahagi siya para sa kanyang pamilya ngunit nararapat paring mag-ipon at magtira para sa sarili.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, di ito ang unang beses na nagbigay ng regalo si Basel sa kanyang empleyado.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan niya ang kanyang matapat ding empleyado ng sarili nitong bahay.

Emosyonal ang empleyado niyang si Angel na dating OFW dahil hindi siya makapaniwalang may bahay na siyang matatawag niyang sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel