LalaJeep! Ilang tsuper ng jeepney sa QC, magiging 'delivery driver' na

LalaJeep! Ilang tsuper ng jeepney sa QC, magiging 'delivery driver' na

- Ilan sa mga jeepney drivers sa Quezon City ay mabibigyan nang pagkakataong makabalik pasada muli

- Ito ay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at ilang delivery service application

- Gamit ang sarili nilang mga jeep, maari silang maghanapbuhay bilang mga delivery drivers

- Sa ngayon, nasa 30 na mga jeepney drivers ang pumasa sa kwalipikasyon ng nasabing trabaho

- Samantala, hindi lahat ng jeepney drivers ay maaring pasukin ang naturang 'raket' o pagkakakitaan dahil sa mga kwalipikasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Good news para sa mga jeepney drivers ng Quezon City na mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng pagkakakitaan gayung hindi pa rin sila pinapayagang bumiyahe lalo na sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa GMA News, ilan sa mga tsuper ng jeep ng nasabing lungsod ay maaring maging 'delivery drivers'.

Sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at ilang delivery service application magkakaroon na ng 'raket' ang mga jeepney drivers lalo na at wala pang kasiguraduhan ang pagbabalik-pasada nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Laking tuwa ng ilang mga jeepney drivers sa hanapbuhay na ito dahil ilang buwan din silang walang pasada kaya naman wala rin silang kita.

Makatutulong din umano ito sa delivery services sa kanilang lugar lalo na at mapapansing ang mga tao ay mas pinipili pa ring magpa-deliver kaysa lumabas.

Subalit, may ilang kwalipikasyon ang hanapbuhay na ito kaya naman hindi lahat ng jeepney driver ay pasok dito.

Upang makapagparehistro, kinakailangan na ang tsuper ay may edad 21 pataas, may malusog na pangangatawan, mayroon smartphone, barangay at police clearance gayundin ang NBI clearance.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kailangan din ang kanilang professional driver’s license, dokumento ng jeepney, larawan ng jeep gayundin ang larawan ng driver.

Kinakailangan ding kumuha ng special permit ang mga jeepney na ito na tatawaging "LalaJeep."

Magsisimula na ito sa Lunes, Hunyo 15 at inaasahang tatagal hanggang Hulyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel