Ginang na nasawi sa Pasay, kinuha sa footbridge ng 2 pulis bago nasawi

Ginang na nasawi sa Pasay, kinuha sa footbridge ng 2 pulis bago nasawi

- Nadala pa umano sa barangay at police station ang ginang si Michelle Silvertino ilang oras bago ito nasawi

- Si Silvertino ang kasambahay na na-stranded sa isang footbridge sa Pasay City sa loob ng limang araw

- Ayon sa lumabas na report, ang ginang ay nagpositibo sa coronavirus disease

- Napukaw ang atensyon ng maraming Pinoy sa kinahantungan nito matapos mag-viral dahil na rin sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinulungan at nadala pa umano ng dalawang pulis ang 33-anyos na ginang si Michelle Silvertino, ilang oras bago ito nasawi.

Si Silvertino ang kasambahay na na-stranded sa isang footbridge sa Pasay City sa loob ng limang araw at nag-positibo sa COVID-19, na una nang naiulat ng KAMI.

Kinumpirma ito ni assistant Pasay police chief Police Lt. Col. Deanry Francisco sa isang ulat ng Inquirer.

Sabi ni Francisco, dinala umano nina Police Corporals Jumie Josue at Emerson Ilac ng Malibay police substation 6 si Silvertino sa barangay noong gabi ng June 4 upang matignan ang lagay nito.

Ngunit nang wala umanong nadatnang tao sa barangay kaya dinala ng dalawa ang ginang sa presinto.

Pero nagpakita na umano si Silvertino ng mga sintomas ng COVID-19 ng mga panahong iyon kaya naman iniutos ng kanilang commander na ibalik na ito sa barangay pero tumanggi na raw ang ginang at sinabing ayos lamang ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"They said they were bringing her for treatment to the barangay hall but there was no one there so they took her to the police precinct to let her rest.

"But upon validation, they saw she had COVID-19 symptoms so their commander told them to bring her back to the barangay hall. But [Silvertino] insisted that she was OK so they returned her to the footbridge," ayon kay Francisco.

Dagdag pa nito, bandang 4:30 ng umaga noong June 5 nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang babaeng nawalan ng malay sa footbridge.

Sa isang report, sinabing ang babae ay mayroong mataas na lagnat at nahihirapang huminga.

Sina Josue ay Ilac din daw ang rumesponde sa tawag at siyang nagdala kay Silvertino sa ospital kung saan ito ideneklarang patay na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel