Ginang na pumanaw sa paghihintay ng bus pauwing Bicol, positibo sa COVID-19

Ginang na pumanaw sa paghihintay ng bus pauwing Bicol, positibo sa COVID-19

- Lumabas na positibo sa COVID-19 ang 33-anyos na ginang na pumanaw sa isang footbridge sa Pasay

- Hunyo 5 nang matagpuang wala nang buhay si Michelle Silvertino na noo'y limang araw na palang naghihintay ng bus upang makauwi siya sa kanilang probinsya

- Hindi na rin naiuwi ang labi nito at inilibing na rin sa Pasay na ipinagpaalam naman sa kanyang kapatid

- Hunyo 6, makakauwi na sana siya sa probinsya sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Pasay ngunit nasawi naman siya isang araw bago ito mangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Positibo sa COVID-19 ang 33-anyos na ginang na si Michelle Silvertino na pumanaw sa footbridge ng Pasay noong Hunyo 5.

Base sa ulat ng GMA News, nagpositibo ito sa COVID-19 sa isinagawang inisyal na test sa kanya.

Ngunit ayon kay Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, magsasagawa pa sana ng confirmatory test kay Michelle bago sana ito maiuwi sa Bicol noong Hunyo 6.

Sa kasamaang palad, di na ito nakauwi dahil isang araw bago pa siya maihatid ay natagpuan na siyang walang buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang kanyang labi ay hindi na rin nai-uwi at pumayag naman ang kanyang kapatid na ilibing na ito sa Pasay.

Ayon sa ABS-CBN News, hindi na umano na-cremate ang labi ni Michelle upang maiwasang makahawa pa umano ito sa mga tao sa crematorium.

Sa naunang ulat ng KAMI, nasabi ni Nathaniel Alviso na matagal nang may sakit sa baga ang kaibigang si Michelle. Ito ang dahilan kung bakit hindi na siya nakapag-abroad at namasukan na lamang bilang kasambahay sa Rizal para maitaguyod ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naulila ni Michelle ang apat niyang mga anak na nasa pangangalaga na ngayon ng kanyang kapatid na lalaki.

Hindi na rin natupad ang hiling ng panganay nitong anak na makauwi ang kanilang ina sa Bicol.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel