Babaeng pulis, nagmagandang loob alagaan ang sanggol ng namamalengkeng nanay

Babaeng pulis, nagmagandang loob alagaan ang sanggol ng namamalengkeng nanay

- Naging viral sa social media ang isang pulis na babae dahil sa kanyang kagandahan ng loob

- Nagbabantay ang pulis sa isang rolling store sa Benguet nang makita niya ang isang ina na bitbit ang sanggol niya

- Bawal pa lumabas ang mga bata dahil sa COVID-19, pero pinaliwanag ng nanay sa pulis ang sitwasyon niya

- Kaya naman, nagboluntary mismo ang pulis na bitbitin ang bata ang bantayan muna ito habang namamalengke ang nanay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang isang babaeng pulis dahil sa kanyang malasakit sa isang nanay na namamalengke.

Nalaman ng KAMI na tinulungan ng pulis ang ina na alaagaan muna ang anak nito habang siya ay namamalengke.

Ayon sa Facebook post ng GMA News, binabantayan ni Police Corporal Nimfa Camis ang isang rolling store Kabayan, Benguet nang makita niya ang nanay na may bitbit na sanggol.

Sa ngayon, hindi pa rin pinapayagan lumabas ang mga may edad 21 pababa sa lugar. Subalit, nang ipaliwanag ng nanay ang kanyang sitwasyon, tinulungan pa siya ng pulis.

Nagboluntaryo umano si Camis na buhatin at alagaan muna ang sanggol habang namamalengke pa ang nanay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, namangha naman ang mga netizens sa naging magandang kalooban ng pulis. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“What a good hero , She is not just an Enforcer but a rescue and with a big heart of his people . God bless to this police hope you have a good achievement onward because of your very humble and good work ...”
“She is the best example of an officer she understand and then she act with good moral.. hindi yong basta huli na lang huli..hindi na nagiisip.. Salute to you Madam!”
“Behind that camouflage is A woman, a mother and most importantly a human kind heart.. Salute to you maam! and thank you for your services”
“She is indeed an enforcer of love to people. We need more people like you. God bless and protect you always, Ma"am.”
“Napakabait ni maam God bless you maam saludo ako sa mga ganyang frontliner ..keep safe po..”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel