Pinay sa NY na may COVID-19, lakas-loob na nag-video upang ipakita ang totoong kalagayan

Pinay sa NY na may COVID-19, lakas-loob na nag-video upang ipakita ang totoong kalagayan

- Viral ang video ng isang Pinay na tinamaan ng COVID-19 sa New York

- Matapang nitong ipinakita ang totoong kalagayan niya roon bilang isang COVID-19 patient

- Makikitang hirap na ito sa pagsasalita at hirap na rin ito sa paghinga

- Nabanggit niyang nakararanas umano sila ng diskriminasyon doon bilang mga Asyano

- Nangako naman siya na magpapagaling upang makita at makasama pa ang kanyang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw- eksena sa social media ang isang video ng nagpakilalang Pinay na nasa New York.

Nalaman ng KAMI na isa siyang COVID-19 patient at nasa ospital siya habang kinukunan ng video ang kanyang kalagayan.

Mapapansing hirap ito sa pagsasalita at hinahabol na niya ang kanyang hininga.

Ngunit ang mas kapansin-pansin ay nang panay na ng sabi nitong mahal niya ang kanyang pamilya na animo'y namamaalam na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa kasi sa Pinay, tila napapabayaan daw sila roon at nakararanas pa ng diskriminasyon dahil sila ay mga Asyano.

Nakararamdam na rin umano siya ng takot dahil dalawang patay na pasyente ang nasa tabi niya.

Nabanggit din niyang maari siyang malipat sa ICU nang mga oras na iyon at maari rin siyang malagyan ng tube support.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nagpakita pa rin ng katatagan ang Pinay at sinabing uuwi pa siya sa Pilipinas sa susunod na taon para makita ang kanyang mga mahal sa buhay.

Kahit hinahabol niya ang kanyang pagsasalita, pilit niyang sinasabi na kaya niyang malabanan ang virus.

Nagpapasalamat din siya sa mga taong nagpaparamdam ng suporta at nagdarasal para sa kanyang paggaling.

Narito ang kabuuan ng video na binahagi ng Xai Channel:

Samantala, sa comment section ng naturang video, nabanggit ng isang netizen na gumaling na ang Pinay na ito at kumpirmadong naka-recover sa COVID-19.

Ayon kay Corral Barco Lovella, pinsan daw ito ng kanyang boss kaya nakumpirma nilang survivor na ang Pinay sa video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel