Tatay, dumiskarte para maihatid ang anak kahit bawal ang angkas

Tatay, dumiskarte para maihatid ang anak kahit bawal ang angkas

- Sa kagustuhang maihatid ang anak, gumawa ng improvised na "back ride separator" para sa kanyang single na motor ang isang tatay sa Albay kahit na ito ay bawal

- Ayon sa FB post ng isang netizen, dahil wala itong alam na paraan para maihatid ang anak sa trabaho ay naisip umano nito na dumiskarte

- Pero nasita ito ng mga awtoridad bagamat hindi naman ito hinuli ay pinaalalahanan nalang sa posibleng mangyari dahil dito

-Matatandaang ipinagbawal ng DILG ang back ride upang makaiwas na dumami pa ang mahawa o makahawa dulot ng novel coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang isang magulang, lahat ay gagawin upang masiguro na ligtas at hindi mahihirapan ang kanilang mga anak.

Tulad na lamang ng isang tatay sa Albay na gumawa ng improvised na "back ride separator" para sa kanyang single na motor upang maihatid ang kanyang anak sa trabaho kahit na ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa ngayon.

Malayo raw kasi mula sa kanilang barangay ang lugar kung saan nagta-trabaho ang kanyang anak.

Batay sa Facebook post ng netizen na si Rolly Esguerra, sinita ng mga awtoridad ang nasabing lalaki bagamat hindi naman ito hinuli.

Pinaalalahanan din daw ito ng mga pulis na delikado para rito ang ginawang back ride separator.

"Pinayuhan lamang sya, na delikado yung #BackrideShield na ma outbalance sya sa wind pressure, at pinaalalahanan na bawal pa po ang Angkas," ayon sa FB post nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Those 2 rookies are kind and courteous, sinabi lang kay Tay while pointing, na baka ma outbalance sya pag mabilis ang takbo, because of wind pressure.. Wala po masama ibig sabihin pag point nila.. No offense meant.." ayon kay Esguerra.

Matatandaang ipinagbawal Department of Interior Local Government ang mga angkas sa motor.

Ito ay para makaiwas ang marami sa pagkalat ng novel coronavirus. Maaari raw kasing makahawa o mahawaan ng virus kapag naka-angkas o may angkas.

Sa isa pang report ng KAMI, isinulong ni Ang Probinsyano Representative Ronnie Ong na magkaroon ng special ID ang mga mag-asawa para payagan ang mga ito na magka-angkas sa motor.

"It doesn’t make sense that people who are living, eating and sleeping together in the same house should be apprehended for being in the same vehicle or for riding together in a motorcycle for supposed violation of the rules on physical distancing set by the IATF," sabi ng kongresista.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel