Lolo Elmer ng ‘Piston 6’, emosyonal nang muling maka-uwi sa bahay at makasama ang pamilya

Lolo Elmer ng ‘Piston 6’, emosyonal nang muling maka-uwi sa bahay at makasama ang pamilya

- Labis ang saya ni Lolo Elmer Corder muli na siyang naka-uwi sa bahay nila matapos niyang makalaya

- Sinalubong siya ng mga kapitbahay nila ng palakpakan nang dumating siya at tuwang-tuwa ito

- Agad niyakap ni Lolo Elmer ang pamilya niya nang makita niya ito at hindi niya napigilang maging emosyonal

- Kwento ni Lolo Elmer, hindi rin siya titigil sa kanyang buhay sa jeep at kakayanin niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maging emosyonal ng 72 anyos na si Elmer Cordero nang muli siyang maka-uwi sa bahay nila at makasama ang pamilya niya matapos niyang makalaya.

Nalaman ng KAMI na naka-uwi na si Lolo Elmer ilang araw matapos niyang makulong kasama ang iba pang mga jeepney drivers.

Ayon sa video na ibinahagi ng News 5, kitang-kita ang kasiyahan ni Lolo Elmer nang makabalik siya sa lugar nila. Sinalubong naman siya ng kanilang mga kapitbahay at pamilya niya.

Nagpalakpakan naman ang mga tao nang salubungin siya. Agad din niyang niyakap ang pamilya niya at malaki ang ngiti sa mukha niya.

Samantala, sa ulat naman ng ABS-CBN News, sabi ni Lolo Elmer ay kakayanin niya ang patuloy na pamamasada niya ng jeep.

“Talagang kakayanin ko pa kasi d’yan ako lumaki at d’yan ko rin nakuha ‘yung mga sakit-sakit sa pagmamaneho. Hindi ko lang masabi na magmaneho ako tuloy-tuloy pero nasa jeep pa rin ako,” aniya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na malungkot si Lolo Elmer na hindi siya kaagad nakalaya kasama ng ibang mga jeepney drivers.

Kinulong ang 6 na jeepney drivers matapos nilang magprotesta upang humingi ng tulong dahil sa tindi ng hirap ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel