Video ng OFW ilang oras bago siya binawian ng buhay sa kalsada, viral

Video ng OFW ilang oras bago siya binawian ng buhay sa kalsada, viral

- Natagpuang wala nang buhay ang isang OFW sa Riyadh na sinasabing na-stroke

- Natulungan pa umano ito ng kanyang mga kapwa OFW at nakunang ng video upang maihingi ng tulong at maipabatid na rin sa pamilya nito ang kanyang kalagayan

- Makikitang hinang-hina na ang lalaki na hindi na maayos ang suot na damit

- Panay na lamang ang inom ng tubig nito sa video ngunit hindi na ito makapagsalita

- Pinagmalasakitan ito ng kanyang kababayan ngunit binawian din siya ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang OFW sa Riyadh na nakita na lamang na walang buhay sa tabi ng kalsada.

Binahagi ng netizen na si Shayn Gjael ang video na nakuha pa ng mga kapwa OFW ng lalaki bago ito pumanaw.

Na-stroke di umano ang lalaking di na makapagsalita at kitang-kita na hinang-hina na.

Mapapansin ding hindi na maayos ang damit nito at panay na lamang ang inom nito ng tubig.

Nagmalasakit naman ang ilang kapwa niya OFW na naroon. Binigyan siya ng mga ito ng pagkain at tubig.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

May ilan ding sumubok na matawagan ang pamilya ng lalaki habang ang iba naman ay kumuha ng video upang maihingi pa ito ng tulong.

Base pa sa post, Patricio Lacalinao ang pangalan ng lalaki na tubong Pampanga. Nakatawag naman ng ambulansya para sana ito ay matulungan ngunit puno na pala ang pinagdalhang ospital sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sunod nilang tinawagan ang pulisya na rumespunde naman ngunit hindi na raw nalaman ni Shayn ang sumunod na nangyari dahil hindi na siya nakasama.

Nagulat na lamang umano sila nang makita ang kawawang kababayan na wala nang buhay.

Narito ang kabuuan ng video na orihinal na binahagi ni HadjieFahad Nasrollah Baraacal:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel