PWD, matiyagang naglalako sa QC dahil sa matinding gutom

PWD, matiyagang naglalako sa QC dahil sa matinding gutom

- Viral ang larawan ng PWD na pilit pa ring nagtitinda Quezon City

- Sakay ng kanyang wheelchair na tinutulak ng kanyang pinsan, matiyaga nilang binabaybay ang Commonwealth Avenue

- Wala raw ibang aasahan ang PWD lalo na at wala ring trabaho ang kanyang ama na isang karpintero

- Mas iniisip nila sa ngayon ang kanilang kakainin kaysa sa panganib na dala ng COVID-19

- May ilang netizens na nais magpaabot ng tulong sa kanya matapos na mag-viral ang kanyang mga larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang larawan ng isang PWD sa Quezon City na matiyaga pa ring naghahanapbuhay.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, nakilala ito na si Willie Ogaro ng Barangay Pansol.

Kasama ng kanyang pinsan na si Jayson Pereyra na siyang natutulak ng kanyang wheelchair, binabaybay nila ang kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Nalaman ng KAMI na nagbebenta ito ng kung ano-ano upang masuportahan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento ni Willie, wala na raw siyang ibang inaasahan na maaring makatulong sa kanilang kalagayan.

Ang kanyang ama ay kasalukuyang walang trabaho dala ng pandemya. May edad na rin ito kaya naman hindi na rin makahanap ng iba pang pagkakakitaan.

Gutom ang aabutin nila ni Willie kung hindi ito makakaisip ng paraan para kumita.

"Hahayaan ko pang magutom kami dahil sa #COVID19 na yan? Siyempre uunahin namin yung sikmura namin. Kailangan kong lumabas kasi kailangan naming kumain ng tatay ko. Bale wala sakin kung may COVID man o wala," pahayag ni Willie sa panayam sa kanya ni Mark Demayo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi alintana sa kanya ang hirap ng kanyang kalagayan, ang init ng panahon at lalo na ang pandemyang kinakaharap. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay ang masigurong may makakain sila ng kanyang ama araw-araw.

Dahil dito, naantig ang puso ng ilang netizens at nagpahayag na nais nilang magpaabot ng tulong kay Willie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Saan kita ma-meet para bigyan pa kita ng iba pang paninda?"
"Kindly send your address, para na rin makatulong kami sa iyong pamilya."
"Napakasipag mo, habang ang ibang maayos ang pangangatawan hindi makadiskarte ng pagkakakitaan"
"Buti pa si manong kahit pwd, hindi sumusuko at positibo pa rin pananaw sa life"
"Paano po sila mapupuntahan para makapagpaabot ng tulong, ito kasi ang masarap tulungan"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel