Beteranang aktres na si Anita Linda, pumanaw na sa edad na 95

Beteranang aktres na si Anita Linda, pumanaw na sa edad na 95

- Pumanaw na ang beteranang aktres na si Anita Linda sa edad na 95

- Bandang 6:15 ng umaga ngayong Hunyo 10, kinumpirma ang kanyang pagpanaw

- Siya ang itinuturing na "oldest active Filipina actress" na ang huling proyekto ay ginawa noong 2017

- Malaki ang naiambag niya sa industriya ng showbiz mapa-telebisyon man o sa pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakabilang buhay na ang beteranang aktres na si Anita Linda sa edad na 95.

Nalaman ng KAMI na bandang 6:15 ngayong umaga, namayapa na ang itinuturing na "oldest active Filipina actress"

Ayon sa CinemaBravo, naiwan ni Anita ang kanyang mga anak na sina Francesca Legaspi and Fred Osburn.

Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang direktor na si Adolf Alix na isa sa nagkumpirma ng pagpanaw ng beteranang aktres.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

“This is a very sad day for me. I am trembling as I am gathering my thoughts... The great Anita Linda has passed away this morning at 6:15AM. Prayers for her soul. My condolences to her family and her children, Francesca Legaspi and Fred Osburn,” pahayag ng direktor sa kanyang emosyonal na Instagram post.

Alice Lake ang tunay na pangalan ni Anita na malaki ang naiambag sa industriya ng showbiz mapa-telebisyon man o pelikula.

Una siyang lumabas sa pelikulang "Tiya Juana" noong 1943 at mula noon ay sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto.

Naging bahagi rin siya ng pelikulang "Pare Ko!" ng Star Cinema, "Deathrow" ng GMA Films, "Bride for Rent" bilang si Lola Czarina, "The Mistress" bilang si Lola Lina at marami pang iba.

Malaki rin ang naiambag niya sa iba't ibang mga television shows ng GMA, TV5 at isa na rito ang patok na teleserye ng ABS-CBN, ang "Pangako Sa'yo" kung saan gumanap siya bilang Puring "Lola Puring" San Juan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang 2019, binigyan siya ng pagkilala ng Fim Development Council of the Philippines bilang isa sa maittuturing na kayamanan ng pelikulang Pilipino. Ito rin ang taon ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine Cinema.

Makailang beses na rin siyang nagwagi ng "Best Actress" award sa mga pelikulang "Lola", "Adela" at "Sisa".

Tunay na kahanga-hanga ang kanyang dedikasyon at pagmamahal sa Filipino showbiz industry.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel