33-anyos na babaeng naghihintay ng bus pauwing probinsya, natagpuang wala nang malay

33-anyos na babaeng naghihintay ng bus pauwing probinsya, natagpuang wala nang malay

-Natagpuang walang buhay ang isang 33-anyos na ginang na naghihintay ng masasakyang bus sa Pasay City

- Hunyo 5 pa nang mamataan itong hirap na huminga at inaapoy pa ng lagnat

- Posibleng COVID-19 daw ang ikinamatay nito ngunit nilinaw ng kanyang kaibigan na matagal na raw itong may sakit sa baga

- Naulila niya ang apat niyang maliliit na mga anak na ang tanging hiling ay ang maiuwi ang labi ng kanilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 33-anyos na ginang ang natagpuang wala nang buhay sa isang footbridge sa Pasay City.

Nalaman ng KAMI na Hunyo 5 pa ng madaling araw nang may makapansin na sa ginang na nakilalang si Michelle Silvertino.

Namataan daw itong hirap nang huminga at inaapoy pa sa lagnat.

Base sa police report ng Pasay City, sinubukan pa ng concerned citizen na idulog ang kalagayan ni Silvertino sa Barangay 159 ngaunit wala namang tumugon sa kanilang paghingi ng tulong.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

33-anyos na babaeng naghihintay ng bus pauwing probinsya, natagpuang wala nang malay

source: Nathaniel Alviso
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nadala pa umano sa ospital ang ginang at nagawan ng swab test. Sa kanyang death certificate, posibleng COVID-19 daw ang ikinamatay nito.

Ngunit nilinaw ng kanyang kaibigan na si Nathaniel Alviso na matagal nang may sakit sa baga si Silvertino.

Katunayan, paalis sana patungong Saudi Arabia ang kanyang kaibigan upang doon manilbihan bilang domestic helper ngunit di umano ito nakapasa sa physical exam dahil nakitaan ng tubig ang kanyang baga.

Namasukan na lamang siya bilang kasambahay sa Rizal ngunit nagpaalam na rin sa kanyang amo noong Mayo 31.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasamaang palad, wala naman siyang nasakyang bus pauwi ng Camarines Sur.

Kaya hanggang sa huling hininga niya ay nanatili pa rin siya sa footbridge sa kakahintay ng masasakyan pauwi ng probinsya.

Naulila niya ang apat niyang maliliit pang mga anak na ang tanging hiling ay maiuwi ang kanyang labi sa kanilang tahanan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel