Sa wakas! 72-anyos na jeepney driver ng Caloocan, makalalaya na

Sa wakas! 72-anyos na jeepney driver ng Caloocan, makalalaya na

- Makakalaya na ang 72-anyos na jeepney driver na si Elmer Cordero na hindi pa nakasama sa apat pinalayang jeepney driver noong Lunes, Hunyo 8

- Naiwan pa siya ng isa pang araw dahil sa nakabinbin na kasong estafa na naisampa sa kanya taong 2002 pa

- May ilang mga pribadong indibidwal ang tumulong kay Cordero kaya naman napabilis ang pagpiyansa nito

- Inaasahang makakalabas na ito ng detention cell anumang oras dahil sa order of release na nilabas ng korte ng Caloocan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa wakas ay makalalabas na ng detention cell ang ang 72-anyos na jeepney driver na si Elmer Cordero.

Matatandaang isa si Tatay Elmer sa anim na jeepney driver na naaresto dahil sa di umano'y paghingi nila ng tulong sa mga dumaraan sa EDSA Caloocan noong nakaraang linggo.

Ang apat sa anim niyang mga kasama ay nauna nang mapalaya nitong Lunes, Hunyo 8. Hindi nakasama rito si Tatay Elmer at isa pa nilang kasamang si Wilson Ramilla dahil umano sa mga nakabinbin nilang kaso.

Isang shoe shop owner ang nagmalaskit na tulungan si Tatay Elmer at sinabing hindi sila papayag na hindi ito agad na makalabas ng kulungan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa naunang ulat ng KAMI, nakilala ito na si Shewin Lim na may-ari ng Sabrinacio Footwear ang buong pusong tumulong kay Tatay Elmer.

Sa kanyang post, nabanggit niya na ang kasong estafa ay naisampa sa matanda dahil lamang sa hindi ito nakabayad sa inuupahang bahay noon pang 2002.

Ilang oras lamang mula nang mag-viral ang naturang post ng Sabrinacio Footwear, lumabas ang balitang may release order na ang korte ng Calooocan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakapagpiyansa na umano ang kampo ni Tatay Elmer ng halagang ₱10,000 base sa ulat ng ABS-CBN News.

Samantala ang kasama naman niyang naiwan sa detention cell na si Wilson Ramilla at mananatili pa rin dahil naman sa carnapping case ayon sa Philippine Star.

Narito ang kopya ng release order para kay Cordero:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel