72-anyos na tsuper ng jeep na di nakalaya, di lang nakabayad ng upa kaya kinasuhan ng estafa

72-anyos na tsuper ng jeep na di nakalaya, di lang nakabayad ng upa kaya kinasuhan ng estafa

- Hindi nakasama sa paglaya sa apat na jeepney driver ang pinakamatanda sa kanila na si Elmer Cordero

- Isang nagmalasakit na netizen ay may-ari ng shoe shop ang nag-usisa sa kalagayan ng lolo

- Dahil lamang sa hindi nakapagbayad noon ng renta sa inuupahang bahay, nakasuhan na ito

- Marami ang nais tumulong sa matandang driver at isa na rito ang shoe shop owner na nangakong mapapuwi nito ang lolo sa lalong madaling panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang shoe shop owner ang nagpahayag ng pagtulong sa 72-anyos na jeepney driver na si Elmer Cordero.

Si Elmer ay isa sa anim na tsuper na inaresto noong nakaraang linggo dahil sa "paghingi ng tulong" sa mga dumaraan sa EDSA Caloocan.

Sa naunang ulat ng KAMI, napalaya na ang apat sa kanila ngunit isa si Elmer sa dalawang naiwan.

May nakabinbin daw umano itong kaso noon kaya hindi ito nabigyan ng clearance ng korte para makalabas.

Sa post ng Sabrinacio Footwear, binahagi ng may-ari ng shoe shop na ang estafa case na iniuugnay kay Tatay Elmer ay dahil sa di niya nabayarang upa ng bahay, matagal nang panahon ang nakalilipas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil lamang doon, nakasuhan siya ng may-ari na naging dahilan kung bakit hindi siya nakalaya kasama ng iba pang jeepney driver noong Hunyo 8.

Nangako naman ang may-ari ng shoe shop na tutulungan niya ang matanda lalo na at maliit na kaso lamang pala ang kinahaharap nito.

Makikita rin sa mga larawang kanyang binahagi na taos-puso ang kanyang pagtulong dahil naluluha siya habang nagsasalaysay si Tatay Elmer.

Maraming netizens ang umaasang makalalabas na ng detention cell ang matanda na kalunos-lunos na ang kalagayan doon.

Umani rin ng papuri ang may-ari ng Sabrinacio Footwear dahil sa mabuti nitong puso na handang tumulong sa kapwang labis na nangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

" My hats off to you Sir, Sherwin Lim, indeed you're one of the few who truly have a big heart for the downtrodden and unjustly persecuted. Hope that God Almighty will be with you all the way up to the successful conclusion of your mission. You are worthy of emulation and may your tribe multiply more!"
"Godbless you po tatay nandiyan na ang sugo ng Panginoon indi ka niya papabayaan salamat dakilang Sherwin idol ingat po palagi"
"Napakalaking bagay that someone is out there ensuring your safety, maraming salamat sa pagtulong sa kanila"
"You are really the inspiration and instrument of the Lord. It really shows your compassion, love and care to those in needs. Hindi man ako ang personal mong natulungan, seeing this act really affects and touches my heart. Salute to you sir Shiwen Lim"
"Sir naiiyak ako .Salute you po.. Tay huwag napo kayong mag alala may mga taong tutulong po sa inyo.Sir May Godbless you more pag-pray ko po kayo at si Tatay."
"God bless you sir for your concern to the old mans flight.. May He gives you more wealth to share and more wisdom to discern the people around you so you wont be fooled by your compassion to the people that will come to you because of your good heart"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel