May-ari ng bike shop sa Maynila, binigyan ng bisikleta ang lolo na kulang ang pambili

May-ari ng bike shop sa Maynila, binigyan ng bisikleta ang lolo na kulang ang pambili

- Isa na namang matanda ang nabiyayaan ng libreng bike ng isang mabuting may-ari sa Port Area, Manila

- Tumitingin umano ang lolo ng bike sa shop ngunit sadyang kulang ang kanyang dalang pera

- Halos natingnan na niya ang lahat ng display ngunit walang kakasya sa kanyang pera

- Hanggang sa nagdesisyon ang may-ari na ibigay na lamang ito sa matanda at naawa na rin sila rito

- Sobra-sobra ang tuwa ng lolo nang masakyang ang bago niyang bike at lubos siyang nagpapasalamat sa may-ari ng shop na nagmalasakit siyang bigyan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang lolo ang maswerteng nabiyayaan ng bagong bike mula sa may-ari ng bike shop sa Port Area, Manila noong Hunyo 6.

Nalaman ng KAMI na tulad nang naunang nag-viral na 82-anyos na lolo na nabigyan ng bike, kulang din ang perang dala ng matandang ito.

Ayon sa panayam ng Philippine Star sa anak ng may-ari na si Jelour Managantal, nagtatanong-tanong daw ang lolo ng presyo ng mga paninda nilang bisikleta.

Nang malamang P5,500 ang presyo ng naibigan niyang bike, sinabi nitong "maliit" lang ang dala niyang pera ngunit hindi na inalam nina Jelour kung magkano ang dalang pera ng matanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Patuloy pa rin itong nagtingin-tingin subalit wala talagang bisikleta na pasok sa kanyang budget.

Nang papalabas na raw ito, tila natunaw ang puso ng may-ari na uuwing walang dalang bike ang lolo.

“Nung paalis na siya, tinawag siya ng mama ko at sinabi na ‘halika tatay iregalo ko nalang to sayong bike’,” kwento ni Jelour.

Tuwang-tuwa raw ang matanda nang sabihin nilang bibigyan siya ng bisikleta.

Labis-labis din ang pasasalamat nito sa may-ari namay busilak na kalooban at hindi nagdalawang isip na tumulong sa nangangailangan.

Hindi ito nalalayo sa naunang naiulat ng KAMI tungkol din sa isang matandang nagtitinda ng kendi na matiyagang naglalakad mula Pasay patungong Makati.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos araw-araw daw nitong dinadaanan ang bisikleta ngunit sadyang kulang ang kanyang pambili.

Hanggang sa isang araw, inakala niyang napapayag na niya ang may-ari na bilhin ang bisikleta ng sa halagang ₱2,000, hindi niya alam na bigay na lamang ito sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel