Janina San Miguel, isiniwalat ang "maduming kalakaran" ng beauty pageant noon

Janina San Miguel, isiniwalat ang "maduming kalakaran" ng beauty pageant noon

- Buong tapang na isiniwalat ni Janina San Miguel ang di umano'y maduming kalakaran na nasaksihan niya sa mga beauty pageants noon

- Isa na rito ang mga indecent proposal na hayagang pinaalam sa mga kandidata

- Pati na rin ang pagbabawal sa pakikipag-usap sa kanyang pamilya noong siya ay may korona pa ay kanyang naranansan

- Hindi rin daw siya naging masaya kahit nakasungkit siya ng korona noon sa Binibining Pilipinas kaya tatlong buwan bago ang Miss World 2008, nag-back out na siya kung saan pinalitan siya ng kanyang First runner up

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ni Janina San Miguel ang di umano'y "maduming kalakaran" na kanyang nasaksihan sa pagsali sa mga prestihiyosong beauty pageant noon.

Matatandaang taong 2008 nang masungkit niya ang korona bilang Binibining Pilipinas World.

Nalaman ng KAMI na 17 taong gulang lamang siya noon ngunit humakot na rin ng iba pang awards tulad ng Best in Long Gown at Best in Swinsuit.

Bagaman at sa unang sabak pa lang niya sa pageant ay masasabing napagtagumpayan niya ang mga ito, aminado siyang hindi siya naging masaya.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, mahirap ang mga patakarang pilit na sinusunod noon ni Janina habang naghahanda siya sa Miss World 2008.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinagbawalan siyang gumamit ng telepono at maging ang pakikipagkita sa kanyang pamilya at ipinagbawal din sa kanya.

Dumating pa sa punto na hindi agad pinaalam sa kanya na namatay na pala ang kanyang lolo upang hindi lamang siya mawala sa 'focus' sa paghahanda sa Miss World.

"Ang balak pa nila, ayaw nilang sabihin sa akin na 'yung lolo ko mamamatay na because I'm in the middle of training. Ayaw nilang ma-distract ako," kwento ni Janina sa panayam sa kanya ng CNA Insider.

Doon niya napagtanto ang mga bagay-bagay kaya naman tatlong buwan bago ang Miss World 2008, nagdesisyon na siyang mag-back out. Pinalitan siya ng 1st runner up na siyang sumabak sa international beauty pageant.

Ngunit ang hindi malilimutan ni Janina ay ang mga indecent proposal na lantaran daw sa industriya ng beauty pageant sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Noong nandoon na kami, sinabi na 3 million (pesos) for a one-night stand. 'Yung ₱25 million, gagawin ka niyang girlfriend, bibigyan ka niya ng car, condo, resort, lahat," kwento niya.

"Iyon na nga 'yung maduming kalakaran nila. Ang dami talagang gustong maging girlfriend or wife ang isang beauty queen," dagdag pa ni Janina.

Dahil sa mga nakita at naranasan niyang mga ito, naisip niyang higit na mas mahalaga ang pagkakaroon na lamang ng simpleng pamumuhay kaysa umani ng kasikatan.

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang call center agent si Janina at mayroon nang sariling pamilya.

Narito ang isang video clip ni Janina mula sa Binibining Pilipnas 2008 pageant na binahagi muli ng Pageant Trend.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel