59-anyos na 5 oras naglalakad papasok ng trabaho, nabiyayaan ng bagong bisikleta

59-anyos na 5 oras naglalakad papasok ng trabaho, nabiyayaan ng bagong bisikleta

- Walang pagsidlan ng kaligayahan ang isang 59-anyos na construction worker na nabiyayaan ng bagong bisikleta

- Nakita umano siya ni Ivan Mayrina sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at kinabukasan, sinurpresa na siya nito ng bagong bisikleta

- Bahagi ito ng bagong programa ng "Unang Hirit" na SAP o ang 'Serbisyo at Puso' kung saan namimigay sila ng tulong sa mga kapwa nating labis na apektado ng pandemya

- Malaking tulong talaga ito sa matandang trabahador dahil hindi biro ang halos limang oras niyang paglalakad patungong trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napapalakpak at halos maluha ang 59-anyos na construction worker na si Teresito Monarva nang regaluhan siya ng programang Unang Hirit ng bagong bisikleta.

Sa ulat ni Ivan Mayrina, namataan nilang naglalakad si Teresito sa kahabaan ng Commonwealth Ave. habang nadadaanan lamang siya ng mga nagbibisikleta.

Kwento ng construction worker, inaabot siya ng nasa limang oras paglalakad mula UP hanggang Novaliches.

"Minsan, lima kasi kasama ang pahinga, iinom ka ng tubig, ansakit din po kasi ng mga binti ko rin. Hindi ako tatagal sa lakad masyadong malayuan," kwento ni Teresito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tinatayang nasa 15 kilometro kasi ang kanyang tinitirhan mula sa kanyang trabaho.

Wala naman daw siyang magagawa kundi ang maglakad dahil wala naman umano siyang pambili ng bisikleta.

"Kaya ko kung meron lang sana akong bike, wala man akong pambili. Anong magagawa ko? Hanggang tingin lang ako," pahayag ng construction worker.

Matapos ito, agad nang nilabas ni Ivan ang surpresa nila kay Teresito.

"Kami po ay nakikiisa sa inyong sakripisyo sa araw-araw sa kagustuhan ninyong maghanapbuhay, makapasok sa trabaho," nabanggit ni Ivan habang ibinibigay ang bisikleta kay Teresito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bakas sa mukha niya ang kasiyahan nang makita ang bagong bisikleta at mayroon pang kasama itong helmet bilang proteksyon sa kanyang pagbibiyahe.

Lubos ang pasasalamat ni Teresito sa programang Unang Hirit dahil maiibsan ang napakahaba niyang lakarin na dagdag pa sa pagod na dinaranas niya sa kanyang trabaho.

Ang pagbibigay ng bisikleta tulad na ito ay bahagi ng bagong segment ng Unang Hirit na SAP o Serbisyo at Puso. Layunin nila ang magbigay tulong sa mga labis na naaapektuhan ng krisis dulot ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel